John Lloyd klinaro ang role sa ‘Culion’

0
63

HINDI nagustuhan ni John Lloyd ang paggamit ng kanyang pangalan para sa promotion ng ‘Culion’ movie na pinagbibidahan nina Iza Calzado, Meryl Soriano at Jasmine Curtis.

Klinaro niyang cameo role lang daw siya at hindi bida. Isang beses lang daw siyang ipinakita sa pelikula.

Narito ang text ng actor sa ANCX thru SMS message: “I thought including me in the teaser was preemptive. It was the opposite of what I actually requested and agreed on.”

Dugtong pa niya: “But as much as I am drawn to the idea of letting my work, of any kind, have its own life and take its own course in terms of output (unmindful of how it mutates, grows and sometimes gets diminished) I am also wary of misleading an audience.”

“That wouldn’t be fair. Hence, I felt compelled to clarify my participation in the film.”

Well, ayaw lang dayain ni JLC ang kanyang followers na baka pag napanood ay hanapin siya sa buong istorya kaya nagpaliwanag siya.
Unfair nga naman para sa tatlong actress na bida sa ‘Culion.’

Give the credit where the credit is due. Ganyan si John Lloyd. Binibigyan niya ng respeto ang mga bidang artista sa ‘Culion.’ (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here