Home Showbiz Joshua Garcia, pahinga muna sa loveteam

Joshua Garcia, pahinga muna sa loveteam

31
0
SHARE

ANI Joshua Garcia sa isang interbyu: “Para sa akin, sa sitwasyon ko, huwag na lang muna… I mean, puwede akong mag-love team, pero mas marami kang katrabaho, mas maganda.”

Ang tinutukoy ng actor ay kung hangga’t maaari wala raw muna siyang ka-loveteam.

Noon daw kasi maraming projects ang ino-offer sa kanya, pero nang maghiwalay na sila ni Julia Barretto ang ibang offer ay unti-unti raw na nawawala.

Naisip na raw niyang umuwi na sa kanilang probinsya sa Batangas.

Pero, ‘di siya natuloy dahil iniisip pa rin daw kasi niya ang kanyang pamilya na siyang nagbibigay ng lakas sa kanya para ‘wag isuko ang showbiz career.

Ginawa raw niya ay pumason sa acting workshop para lalong mapagbuti ang pag-arte.

Sa ngayon ay nakatuon umano siya sa kanyang acting career.

Mas mabuti raw na wala munang loveteam. At least daw ay nakakakilos siya ng naayon sa gusto niya.

Gusto rin daw niyang ipagpatuloy ang pag-aaral para madaragdagan ang kanyang kaalaman.

Ani Joshua: “Actually, gustung-gusto ko nang bumalik sa pag-aaral, kasi pagdating sa mga knowledge, medyo kulang talaga ako.” (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleTagahanga ni Ella at Erich, si Nadine naman ang puntirya!
Next articleIvana, Tony at Donny pumirma ng kontrata sa ABS-CBN
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here