Home Showbiz Joshua Garcia sinabihang ‘mahal kita’ si Julia Barretto

Joshua Garcia sinabihang ‘mahal kita’ si Julia Barretto

849
0
SHARE

NALUBOS ang kasiyahan ni Joshua Garcia nu’ng kanyang kaarawan (October 7) dahil sinorpresa ng kanyang ka-loveteam na si Julia Barreto.

Sa Instagram account ng young actor ay ipinost niya ang cake na hawak ni Julia. Nilagyan nito ng caption na: “Maraming salamat baba, kahit may sakit ka pumunta ka pa rin. Mahal kita!”

Dahil sa caption na ‘yun marami na ang naniniwalang may relasyon na ang dalawa. Kapag raw kasi magkasama sila kahit saan ay kapansin-pansin ang pagiging caring nila sa isa’t isa.

Hindi naman sila tumatanggi o di kaya nagde-deny hinggil sa kanilang relasyon, Ngiti lang ang sagot nila kapag may nagtatanong.

Samantala, happy si Julia sa kanyang amang si Dennis Padilla. Patunay lamang ito na magkasundung-magkasundo na ang mag-ama.

Katunayan very proud si Julia na ang ama ay isa ng director. Si Dennis ang nagdirek na pelikula ni Empoy Marquez na malapit ng ipalabas sa mga sinehan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here