Home Showbiz Juday-Piolo tandem, hinihintay na ng mga fans!

Juday-Piolo tandem, hinihintay na ng mga fans!

27
0
SHARE

HANGGANG ngayon marami pa ring Judy Ann Santos-Piolo Pascual fans ang naghihintay sa muling pagtatambal ng dalawa.

Minsan na ring inanunsyo ang kanilang pagbabalik-tambalan, pero hindi ito matutuloy.

Sa isang panayam sa Kapamilya actress, ipinaliwanag niya kung bakit hindi natutuloy ang proyekto nila ni Papa P.

Ani Juday, bukas naman daw siya sa posibilidad na muli silang magkatrabaho ang dating ka-loveteam.

Sa tuwing may nakakausap daw siyang entertainment writer ay lagi raw siyang tinatanong kung kelan nga ba sila muling gagawa ng proyekto ni Papa P.

Sambit ng actress, “Gaya ng sinabi ko wala namang imposible, with a right project, it will always happen, always happens.”

Pero wala raw siyang magustuhan sa mga script na inilalapit sa kanya.

Ayaw naman daw niya na gagawa sila ng reunion movie na basta-basta lang para lang magkaroon ng Juday-Piolo project.

Inamin din ng aktres siya raw ang talagang dahilan kung bakit nauudlot ang balik-tambalan nila ng actor.

“Ako actually ang dahilan kasi ako ang namimimili ng project talaga,”pahayag pa niya.

Huling nagkasama sina Juday at Piolo sa ‘Don’t Give Up On Us Baby nu’n pang 2006.

Samantala, pumasok na ang character ni Juday sa ‘Ang Probinsyano.’

Ang kanyang teleseryeng ‘Starla’ ay matutuloy pa ring mapanood ng kanyang mga tagahanga. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleRONDATECH
Next articleMaine madalang ng mapanood sa Eat Bulaga
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here