Julia at Coco ayaw pa ring umamin, larawang ‘post’ kuha sa iisang bahay

0
159

MAPANURI talaga ang mga mata ng mga netizens lalung-lalo na sa parte nina Julia Montes at Coco Martin.

Hanggang ngayon kasi ang espekulasyon ng mga netizens ay patuloy ang relasyon ng dalawang celebrity.

Sa isang fan account ay may napuna ang mga netizens sa garden photos na ipinost nina Julia at Coco,

Kamakailan ay may ibinahagi ang actress sa kanyang Instagram na picture kuha sa isang garden.

Nakayakap si Julia sa isang malaking bato at sa likod niya ay makikita ang mayayabong na mga halaman.

Ang caption ni Julia, “Life is a gift . Wake up everyday and realize that [heart emoji] @dimplesromana @angeliebdane right girls?”

Mayroon isa pang picture na ibinahagi ang actress na kuha last year kung saan may nakalagay na date kung kelan kinunan.

Napansin ng mga netizen ang ipinost na larawan ni Julia ay tulad ng ipinost ni Coco last December na kuha sa garden ng house ng actor.

Ginawa ng mga fans ay pinagtabi ang larawan nina Julia at Coco.

Maeami ang nakapansin na parehong   Philodendron selloum plants ang background ng rumored couple.

Pati ang malaking bato na nasa picture ni Julia ay kapareho rin daw ng bato sa garden ng bahay ni Coco.

Nilagyan ng caption ng may id user na @cocojuls4ver ang batong yakap ng actress, “Hello sa bato.”

Mula nang naging magkapareha sina Coco at Julia ay hindi na nawala ang tsismis sa kanila na sila ay magkarelasyon na.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga   netizens.

“Bakit parehas sa background ni Julia ung kay coco.”

“Wahhh nakakatuwa na ngayon lang pinakita yang pinag aawayang bato at halaman soooo… sinagot na ni coco yung tanong… na nasa mansion nya yan… at katabi ng kubo…”

“Ang selloum at bato tlga magdala. Ganda ng garden nila.”

May isa pang latest photo na pinuna rin ng netizens.

May sweet message na ipinost ang actress pero hindi niya tinukoy kung para kanino ang magandang mensahe.

Isang bouquet of flowers na may caption na   “I’m not afraid of tomorrow because I have you by my side.”

Ang mga CocoJuls fans ay kinilig dahil para raw sa actor ang mensahe ni Julia.

Ani @cocojuls4ever: “SOBRANG NAKAKAKILIG. Sino ba yan Julia?”

“Para kay brilliant actor,” sabi naman ng isang fan.

Hirit naman ng isang cocojul fan “hahaha panis clang lhat cocojul lng. Mlakas.”

Si Coco lang ang nag-iisang lalaki na na-link kay Julia hanggang ngayon.

Pagdating sa love life ay parehong tahimik lang ang rumored celebrity couple.

Eversince ay walang pinakikilalang girlfriend ang actor gayundin naman si Julia.

Nabalitang nanganak si Julia at si Coco ang ama, pero hanggang ngayon ay walang pag-amin sa dalawa. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here