Julia Montes, engaged na nga bay Coco? Papasok na sa ‘Ang Probinsyano’

0
73

NANGINGITI na lang si Julia Montes nang mabasa ang mga komento ng netizens kung saan kitang-kita ang suot niyang singsing.

Hindi ang pagpepeprepara ng food ang pinansin kundi ang suot na singsing ng aktres.

Nilagyan niya ito ng caption: “Missing your family? You can simply cook something that will remind you of them … para kahit malayo sila parang kasama mo pa rin sa hapag kainan ???? #JuliaM.”

Espekulasyon ng mga netizen, ang suot na singsing ng aktres ay engagement ring umano ni Coco Martin sa actress kung saan ilang taon na rin daw kasing may relasyon ang dalawa.

Na-mention pa nilang matagal na raw suot-suot ni Julia ang nasabing singsing.

Kumontra naman ang isang netizen.

Aniya, ang singsing daw na suot ni Julia ay nu’ng kelan lang binigay ni Coco sa rumored girlfriend.

Iyon daw ay nang magbakasyon ang rumored celebrity couple sa Balesin Island sa Polillo, Quezon last October kahit may pandemic pa.

“Baka yan ang bigay ni deng noon sa Balesin ang balita na nagpropose si Coco,” sey ng netizen.

Dinedma lang naman ni Julia ang isyu tungkol sa singsing at limitado ang ina-allow niyang komentong pumapasok sa kanyang IG post.

Mula nang nagkapareha sina Julia at Coco sa drama series na “Walang Hanggan nu’ng 2012 at nasundan ng pelikulang A Moment In Time ay nagging mainit na ang tungkol sa kanilang dalawa.

Nagkasama  rin sila sa drama series na Ikaw Lamang with Kim Chiu at Jake Cuenca.

Hanggang ngayon ay tikom pa rin ang bibig nina Julia at Coco sa tunay nilang relasyon.

Ang pinanghahawakan na lang ng mga fans ng dalawa – magmula raw noong nagtambal ang dalawa hanggang ngayon ay walang ibang nail-link na guys sa actress.

Kay Coco naman daw ay ganun din. Ginagawan lang daw ng isyu ang tambalang Coco at Yassi Pressman dahil mag-asawa ang role ng mga ito sa Ang Probinsyano.

“Papano yan malapit nang ma-out si Yassi sa paningin ni Coco dahil pinaglalayo na sila sa AP para mapasok na ang character ni Julia,” ang sabi ng isang malapit sa rumored celebrity couple.” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here