Home Showbiz Julie Anne San Jose kulang sa karisma at mass appeal?

Julie Anne San Jose kulang sa karisma at mass appeal?

31
0
SHARE

SI Julie Anne San Jose ang cover ng Mega magz ngayong month of November.

Pinost ng mega magz ang picture ni Julie Anne, pero ang netizens hindi gusto ang photo shoot ng singer.

Anila, “Si Chuchay pag naayusan. Chuchay pa rin.”

May talent din naman siya pero nagtataka ang mga ito kung bakit ‘di raw umangat angat ang career ng dalaga. At wala raw charisma sa audience ang Kapuso actress.

“Sayang sya, di na umusad ang career. Mabuti pa si Kylie Alcantara kahit bago pa lang sa industriya ay umaalingawngaw ang name.”

Ayon naman sa tagahanga ng singer: “Can we all just let Julie Ann San Jose happen? She deserves to be in the limelight after all these years. Talent, body, beauty, total package.”

Sagot naman ng detractors ng singer, ‘kaso missing the most important factor: charisma and mass appeal. ‘Yan ang meron si Kylie.’

Maging si Rita Magdalena raw ay naungusan na rin daw si Julie Anne.

Isa pang follower ang nagtanggol sa singer. Sarkastiko niyang inisa-isa ang mga achievement ni Julie Anne as an artist.

“Yung mga bashers dito na kala mo laos at walang career si Julie magsitigil kayo! Maaring inde sya successful as an actress but as a singer and performer teka lang mga bashers!

“Most awarded singer yan ng kapuso at nagiisang nakikipagpukpukan sa mga kapamilya singers sa music scene. Diamond record awardee at soldout concerts anyone? Singer, composer, concert performer, artist, actress, product endorser.

“Ano ang kulang mga bashers? Ayaw nyo lang talaga sa kanya kung makakuda kayo akala mo naman napakagaganda nyo at mas may charisma kayo kay Julie. Edi kayo na mag artista!

“Napaka impressive diyan pa lang sa Diamond record award sales na iilan lang ang nakakagawa, Jose Mari Chan at Nina etc. Hindi lang siya super hyped o kasing hyped ng mga taga dos. Pero kilala siya.

“Mas gugustuhin niya naman na siguro maraming awards, maganda ang sales lagi ng songs at albums niya kesa naman hyped ka nga pero di naman magtranslate sa sales ang hyped.”

O di ba, dahil sa pag-cover ni Julie Anne sa isang magazine napukaw ang mundo ng kanyang detactors…. Hahaha..

Hindi naman nagpatalo ang mga nagmamahal sa singer at sinampal sa kanilang mga mukha ang mga awards na nakuha ni Julie Anne bilang singer. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here