K-Drama ‘The World of a Married Couple’ good material para kina Juday at Papa P.

0
142

NAKUHA ng ABS-CBN ang rights ng number one K-drama, ang ‘The World of a Married Couple’ na pinagbibidahan nina Kim Hee-ae at Park Hae-joon.

Ang nasabing K-drama ay kasalukuyang napapanoon sa Kapamilya Channel simula pa nu’ng June 15.

Sobrang naiinip na ang fans nina Piolo Pascual at Judy Ann Santos para sa muling paggawa ng proyekto.

Sa Facebook page nina Juday-Piolo Forever isang fan ang nag-upload ng ginawa niyang teaser na “The World of a Married Couple” at nilagyan ng caption “This will be the perfect reunion project for them if ever. Agree?”

Ibig nilang kung i-aadapt ng Kapamilya ang K-drama sa Pinoy bersyon, perfect daw yun para sa reunion project ng kanilang mga idolo.

Sa ginawa nilang teaser ay sinama ang pangalan ni Arci Munoz bilang mistress ng actor.

Ani ng fans, “Wala ako mahanap na kalaplapan ni Papa P. na medyo younger kaya si Arci ang gaganap bilang kabit. hahaha”

Positibong komento mula sa netizens ang natanggap ng fandoms nina Juday at Papa P.

Anila, kung perfect material daw ang hinahanap ni Juday tulad ng sinasabi niya sa interbyu noon sa  presscon niyang ‘Paano Kita Mapapasalamatan’ eto na raw ‘yung perfpect material, ang “The World of a Married Couple.”

14 years na ang nakakaraan ng huling magkatrabaho ang dalawang Kapamilya artists.

Huli nilang movie ay ‘Don’t Give Up On Us’ at sa teleserye ay ‘Sa Piling Mo’ na parehong 2006 umere. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here