Home Taklesa Kabataang Ildefonsonian prayoridad ni Mayor Carla Galvez-Tan

Kabataang Ildefonsonian prayoridad ni Mayor Carla Galvez-Tan

40
0
SHARE

TUNAY na kahanga-hanga ang pagmamahal na ipinadarama ni Mayor Carla Galvez-Tan sa mga kabataan sa Bayan ng San Ildefonso.

Mula pa sa kanyang unang termino ng paglilingkod ay ganun na lamang kung iprayoridad ng alkalde ang mga programang para sa kabataan.

At sa kanyang muling pagkakaluklok bilang alkalde sa bayan ng San Ildefonso ay isa sa mga pangunahing prayoridad nito ay ang edukasyon.

Ibang klase magmahal ng mga kabataan si Mayor Carla. Walang katapat na paglilingkod at mga kapaki-pakinabang na proyekto ang nakalaan.

At sa 36 na barangay sa nasabing bayan ay laging sagot ng naturang alkalde ang gamit ng mga day care students. Mula sa kanilang school supplies, hanggang sa mga uniform at gamit sa Physical Education.

Dagdag pa dito ay ang pagpapatayo ng 5 bagong daycare center para lalong mahubog ang mga bata sa kanilang murang edad ang kahalagahan ng edukasyon.

Taun-taon din kung mamigay ng libreng tsi­nelas ang alkalde sa mga elementary students habang sapatos at medyas sa mga estudyante na nasa high school para umano wala ng bata sa San Ildefonso ang butas ang tsinelas o sapatos.

Galing! Ibang kla­seng serbisyo sa mga kabataan ang ginagawa ng alkalde na kinagiliwan hindi lang ng mga magulang sa San Ildefonso kundi maging sa mga karatig bayan.

Aabot din sa halos 3 libong iskolar ang sinusuportahan ng Pamahalaang Bayan ng San Ildefonso mula ito sa pagpupunyagi ng mapagmahal na alkalde na si Mayor Carla.

At hindi pa nakuntento dito ang alkalde, nagkaroon din siya ng programang libreng school service sa mga estudyanteng malalayo ang eskwelahan

Ayon nga sa alkalde, sa bawat araw sa loob ng 9 na taon patuloy kong magiging prayoridad ang kapakanan ng bawat Ildefonsonian.

Isa lamang po ito sa mga programang pag-iibayuhin ng Pamahalaang Bayan ng San Ildefonso sa pamumuno Ni Mayor Carla Galvez-Tan.

Salute, Ate Carla sa Serbisyong Subok sa Pag-Asenso Nakatutok!

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita. Batu-bato sa langit ang tamaan ay PIKON!

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBagong judge itinalaga sa Obando MTC
Next articleLalaking gumahasa at pumatay sa 1 taong gulang, arestado
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here