Kagawad pinagbabaril sa quarantine checkpoint, patay; kasamang tanod sugatan

0
233

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Dead on the spot ang isang kagawad na nagbabantay sa quarantine checkpoint habang sugatan ang kasama nitong tanod makaraang pagbabarilin ng apat na lalaking nakasuot ng bonnet sa Brgy. Citrus sa nasambit na lungsod Martes ng madaling araw (June 30).

WATCH: Mga kaanak, kaibigan at supporter ng pinaslang na barangay kagawad ng Barangay Citrus, nagdalamhati. | Video: Geanelle Portallo Aspile

Posted by Balitang SJDM on Monday, June 29, 2020
Mga kaanak, kaibigan at supporter ng pinaslang na barangay kagawad ng Barangay Citrus.
Video: Geanelle Portallo Aspile

Kinilala ang napatay na si Arnel Aspile, 57-anyos, may-asawa, kagawad at residente ng Brgy. Citrus habang sugatan naman si Samuel Abas, 45, Barangay Police Safety Officer (BPSO).

Base sa ulat ni Lt/Col. Gil Domingo, city police chief, naganap ang pamamaril bandang ala-1 ng madaling araw sa checkpoint sa Citrus Road.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon may dumating na apat na naka-bonnet sa checkpoint na makailang ulit bumaril sa kagawad hanggang sa mamatay noon din.

Tinamaan naman sa kanang hita si Abas.

Mabilis na tumakas ang mga salarin, lulan ng motorsiklo sa direksyon ng Brgy. Minuyan.

Dinala naman si Abas sa pinakamalapit na ospital para sa paunang lunas.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na nakataatanggap na ng pagbabanta sa kanyang buhay si Aspile simula nang pumasok sa pulitika.

Naaresto rin siya noong 2016 sa kasong illegal possesion on firearms at may kinalaman sa kasong droga.

Source: Dick Mirasol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here