Home EXTRAFONTS Kahabag-habag na kalagayan ng mga DH sa Kuwait

Kahabag-habag na kalagayan ng mga DH sa Kuwait

233
0
SHARE

KAHABAG-HABAG ang sitwasyon ng mga kababayan nating trabahante sa bansang Kuwait dahil sa pang-aabuso na ginagawa sa kanila ng kanilang mga malulupit na employer.

Tulad na lang ng sinapit ng isang Pinay OFW na si Joanna Daniela Demafelis, 29, na tubong Iloilo ang natagpuang bangkay sa loob ng isang freezer sa isang abandonadong apartment sa bansang Kuwait, kamakailan.

Ayon sa mga naglabasang report, may isang taon umano sa loob ng naturang freezer ang bangkay ni Demafelis. Lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad na may mga palatandaan sa bangkay ng biktima na ito ay pinahirapan hanggang sa mamatay.

Si Joanna Daniela Demafelis, ang natagpuang bangkay sa loob ng isang freezer sa isang abandonadong apartment sa bansang Kuwait.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Cacdac, mayroong 12 naitalang kaso ng “kuwestiyonableng pagkamatay” ng OFW sa Kuwait noong 2017. Ito umano ang naging basehan ng suspensiyon ng pagpapadala ng mga bagong OFW sa naturang bansa.

Bukod diyan, marami pa umanong Filipina household service workers sa Kuwait ang nagpapasagip dahil sa pang-aabuso ng kanilang mga employer, ayon sa OWWA. Ang ilang nagpapa-rescue, ay idinadaan na lang sa social media ang kanilang panawagan para sa agarang tulong.

Kaya ang ginagawa ng mga naabusong OFWs ay tumatakbo sa Philippine Overseas Labor Office (POLO) shelter upang magpasaklolo. Kung tutuusin, daan-daang OFW ang kasalukuyang nagtatrabaho sa Kuwait. Kung mayroon man sa kanila na naging maganda ang kalagayan, tulad ng ilang OFW na pilit na bumabalik sa naturang bansa kahit may deployment ban na ipinatutupad ang pamahalaang Duterte para sa mga balik-Kuwait at sa mga baguhang Filipino workers na magtutungo sa naturang bansa, may mga OFW balik-bayan na maganda ang kanilang naging kalagayan sa Kuwait.

Hindi lang naman sa Kuwait nangyayari ang pang-aabuso sa mga OFW kungdi sa ilang bansang Arabo ay mga mga OFW rin na nagrereklamo dahil sa kanilang kinasapitan sa malulupit nilang mga employer.

Kung ang mga OFW ang tatanungin, labag sa kanilang kalooban na iwanan ang kanilang mga mahal sa buhay. Pero wala raw silang magagawa kung hindi ang magsakripisyo para sa kanilang mga pamilya na nasa Pilipinas dahil mahirao maghanap ng trabahong may malaking sweldo sa ating bansa.

Ang problema kasi sa mga among malulupit, hindi sila sumusunod sa mga alituntunin sa kontrata na nilagdaan ng OFW at ng employer. Nangyayari talaga ang pagsasamantala sa ating mga kababayan lalo na sa hanay ng mga kababaihang OFW. Naroong sabuyan ng kumukulong tubig ang kawawang domestic helper at may napabalita pa na may OFW na pinaso ng flat iron at mayroon ding ginugutom.

Kamakailan lang ay ipinatupad na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang banta laban sa Kuwait na hindi na magpapadala ng mga manggagawang Pinoy sa kanilang bansa bunsod ng mga napaulat na pagmamalupit na ikinasawi ng ilang Pinoy doon sa kamay ng kanilang amo.

Sa inisyung Administrative Order ni Labor Secretary Silvestre Bello III, iniutos nito ang pagpapatupad ng total ban sa deployment ng Pinoy workers sa bansang Kuwait.

Sana nga ay magising sa katotohanan ang mga pinuno ng bansang Kuwait sa mga reklamo na kanilang natatanggap buhat sa mga Pilipino at mga Pilipina na naaabuso sa kanilang bansa. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleDOST ties up with FELTA to expand library services
Next articlePSC to pursue first-ever Olympic gold medal, Filipino athletes’ welfare
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here