Home Ok Ka Lang Kahanga-hangang tax refund law ng Japan!

Kahanga-hangang tax refund law ng Japan!

73
0
SHARE

MASASABING ang mababa at parehas na Tax System na ipinatutupad ng isang bansa ay isa sa pinakamagandang basehan para masabing masigla ang economic structure ng bansang.

At ang Tax Refund Law na ipinaiiral ng bansang Japan ay hinahangaan ng third world countries at maging ng Pilipinas.

Kung kaya naman hindi naiiwasang pangarapin ng mga mamamayan ng ng mga nabanggit na mga bansa na sana ay magkaroon na rin sila ng Tax Refund Law na katulad ng ipinatutupad ng bansang Japan!

Dahil ayon sa batas na ito maaaring maibalik sa mga mamamayan ang mga naibayad nilang buwis sa residences tax, income tax, health insurance at marami pang iba.

Pero dapat din namang alalahanin na hindi lahat ng naninirahan sa bansang Japan ay makakakuha ng tax refund.

Ang tax refund law ng Japan ay dumedepende sa lugar ng inyo-inyong mga lokal na munisipalidad.

Dahil ang mga munisipalidad n’yong ito lamang ang may sapat na kaalaman o listahan ng mga ahensiya na nag-aalok ng balik buwis o tax refund.

Sinu-sino nga ba ang maaaring makakuha ng tax refund? Lahat ba pwede?

Hindi po lahat ay maaaring makakuha ng tax refund.

Ang mga tao o mamamayang walang patlang na nakakapagbayad ng kanyang tamang buwis sa loob ng limang (5) taon lamang ang nasasakop ng ipinatutupad na balik buwis sa bansang Japan.

Kapag ikaw ay nakapagbayad ng walang patid na tamang buwis ng higit pa sa limang taon ay hindi ka dapat na mabahala dahil sa yong sumobrang mga taon ay hindi masasayang o mawawala.

Maraming mga pamamaraan kung papaano ka mag-aapply para mai-claim ang iyong tax refund.

Pero dalawang paraan lamang ang mas epektibo at makakasiguro kang makukuha mo ang iyong tax refund na inaasam-asam.

Una ay ang SELF APPLICATION OF TAX REFUND!

Mabuti rin naman na personal mong asikasuhin ang pagsasaayos ng iyong Tax Refund dahil sa nakakasiguro kang makukuha mo ito bagama’t hindi 100%.

Ang ikalawa naman ay pag gamit ng AHENSIYA o AGENCY para siyang lumakad at umasikaso sa pagkuha ng iyong tax refund.

Sigurado din naman na makukuha mo ang iyong tax refund kapag ipinaasikaso o ipinabahala mo ito sa Agency.

Ang hindi nga lang magandang epekto nito ay siguradong malaki ang mawawala sa iyo.

Dahil sa sisingilin ka ng agency ng mula 20 hanggang 40% o maaaring tumaas pa bilang kabayaran sa kanilang serbisyo o  ginawang pag-asiste sa iyo.

Dapat ay nakahanda na agad ang mga kakailanganing mga dokumento mo para sa pag-aapply ng pagkuha ng tax refund.

Ang mga ito ay ang proof of remittance, gensen, birth certificates ng mga tax depedants o mga taong pinapadalhan ng pera sa Pilipinas at bank accounts.

Ang nasabing batas ukol sa buwis ay ipinatutupad sa lahat ng mga mamamayang Hapon gayundin sa mga iba’t-ibang lahi at maging sa mga Pilipinong naninirahan sa bansang Japan na nagbabayad ng tamang buwis.

Ang ipinaiiral na tax refund law ng Japan ay malaki ang nagagawa nito sa pangkalahatang financial stability ng bawat mamamayan para lalo pang gumanda at umunlad ang uri ng kanilang pamumuhay sa tinaguriang LAND OF THE RISING SUN!

SHARE
Previous article5 bayan sa Bulacan wagi ng SGLG ng DILG
Next articlePagpapatupad ng Revolutionary Government, kinaiinipan na!
Neneth Tayao Hirano has over 20 years of experience in broadcast journalism. A graduate of Mass Communication Major in Broadcasting at Far Eastern University. Born October 28, 1955 at Plaridel, Bulacan. She started broadcaster at DWAN 1206, followed at DWGV 792 and then DZXQ 1350. A former publisher of a local newspaper -- TUDLA. And from broadcasting, she became a columnist of local papers in Bulacan, the CMT UPDATES and Bulacan Catcher. Currently, she is RONDA Balita’s columnist based in Japan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here