Home Striker Kailan nga ba magkakaroon ng tunay na malasakit sa kalikasan?

Kailan nga ba magkakaroon ng tunay na malasakit sa kalikasan?

26
0
SHARE
An opinion column by Louie C. Angeles

MAYROONG mga dating kawani ng ahensya sa kalikasan ang dismayado sa kalakarang umiiral sa ilang namumuno at kawani sa ahensya na dapat ay sila ang tunay na nangangalaga at sumusuheto sa ilang kumpanya na kumalabag sa batas pangkalikasan.

Ayon sa salaysay ng dating empleyadong ito, nakakapanliit ang ginagawa ng ilang kawani ng DENR, CENRO, BENRO sa bawa’t lalawigan. Na tila baga nagiging taga pagtanggol pa sila ng isang violator na kumpanya at tila sobrang close ang mga opisyal ng mga ahensyang ito sa mga consultant at may ari ng isang kumpanya.

Kung sadyang may katotohanan ang salaysay ng dating kawaning ito ay nakapakalabong tumino ang ating kapaligiran dahil hindi kayang masusupil ang mga kumpanya, mga local goverment na hindi nakakasunod sa tamang panuntunan hinggil sa kalinisang dapat na naipapatupad ng kagawarang pangkalikasan.

Hanggang kailan nga kaya tapat ang mga opisyal at kawani ng mga ahensyang nangangalaga sa kalikasan?

Kung magpapatuloy ang ganitong gawain ng mga kawani at opisyal sa pakikipagkaibigan sa mga kumpanya ay kaawa-awa naman ang susunod na henerasyon dahil wala silang masisilayang luntiang kapaligiran at puro trahedya lang ang mamanahin nila.

Iyan ang tila naiisip ng mga tauhan ng kawani at opisyal ng kagawarang pangkalikasan. Puro nalang kung ano umano pakinabang sa mga kumpanya ang naiisip nila. Hindi naiisip na maaring ikapahamak ng kanilang kaapo-apuhan nila ang kapabayang pagsaluha ng kalikasan ng ilang kumpanya.

Hindi pa huli ang lahat upang kumilos para magpatupad sa pagsupil sa mga kumpanyang patuloy at patuloy na lumalabag sa Clean Air Act at Water Waste Act. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here