Home Editorial Kailangan ng palitan ang mga lumang jeep!

Kailangan ng palitan ang mga lumang jeep!

78
0
SHARE

SAWA na ba ang masa sa nakasusulasok na usok mula sa tambutso, sa mga kalampag na naggagaling sa ilalim ng mga lumang pampasaherong jeep na kadalasan ay bigla na lamang tumitirik at kailangan pang itulak para tumakbong muli.

Halos ganito ang mga klase ng mga pampasaherong jeep na bumibiyahe sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Hindi naman lahat pero nakakarami sa kanila ang mga lumang modelo at kinakailangan ng palitan.

At nais ng ating gobyerno ang modernisasyon a hindi ganun kadali ang pagpapatupad ng pagbabago sa mga pampublikong transportasyon. Kaya naman mayroong mga programa ang gobyerno para sa magaan na pagpapalit ng mga lumang jeep.

Ngunit sa kabila ng programa ng gobyerno ay mas pinili ng mga grupo ng pampublikong sasakyan ang magsagawa ng malawakang tigil-pasada para tutulan ang programang modernisasyon sa kanilang hanay.

Hindi natin masasabi na naging matagumpay ang naganap na tigil-pasada dahil may mga lugar pa rin na hindi ito ininda at hindi rin nakisimpatiya ang buong sambayanan.

Pero panahon na kailangang tanggapin ng sektor ng pampublikong transportasyon ang katotohanan na dapat magkaroon ng modernisasyon.

Hindi sa hinaharap kundi ngayon na. Hindi na puwedeng ipaghanapbuhay ang mga lumang sasakyan na nakakaperhuwisyo na sa kalusugan ng mga tao at sa ating kapaligiran.

May alok ang pamahalaan, bakit hindi pag-usapan at maglatag ng sagot ang  hanay ng grupo ng mga pampublikong sasakyan mula sa programa ng gobyerno.

Upuan at pag-usapan sa malugod na paraan at huwag daanin sa paraang makakaapekto sa taumbayan.

Walang patutunguhan ang tigil-pasada sa isang pamahalaan na naninindigan para sa kapakanan ng mas nakararami.

 

SHARE
Previous articleKapag may krisis ang pamumuno apektado nito ang buong estado
Next articleRookie Lonzo Ball makes history with triple-double
Team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multi media press centers are active nowadays. The people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern news agency whose products include newsfeeds, websites, and social networking and it is entitle RONDA Balita, Online Pahayagan ng Masang Intelihente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here