Home Katropa Rumoronda Kalamidad inupakan sa salita ni Duterte

Kalamidad inupakan sa salita ni Duterte

29
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

KALAMIDAD inupakan sa salita ni Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay naganap sa isang pagtambang na panayam na ating nabasa, na naganap matapos ang kanyang pagsasalita sa Fort Bonifacio, lunes ng gabi, ng ang Taal Volcano ay nagbuga ng mga abo. Sinabi ni Duterte na ‘kainin ko pa yang ‘ash fall’ na yan, pati iyang Taal, ihian ko pa iyan.”

Tsk! Tsk! Tsk! Walang pinatatawad si Pangulong Duterte kahit isa ka pang uri ng kapahamakan. Napangingiti ako sa Pangulong ito, dahil nawawala ang lungkot ko kapag nagbibitaw siya ng mga ‘jokes?’ Nakabibiglang pakinggan ang kanyang mga biro na malayo sa katotohanan, hehehe.

*****
Nais nating batiin ang mahusay na ginagampanan ng National Disaster Risk Reduction And Management Council o NDRRMC, sa pagbibigay ng abiso at payo sa pamamagitan ng pagpapadala ng ‘text messages’ sa mga ‘celpon’ ng mamamayan, kung ano ang nangyayari sa kapaligiran.

Tulad na lang nitong ‘Ash Falls’ o pag-ulan ng abo dulot mula sa nagngangalit na Taal Volcano.

Dahil sa kanilang pagbibigay ng babala at wastong impormasyon, ay dagliang kumilos ang mga kinauukulan, partikular na ang mga lider ng mga bayang maapektuhan ng pag-ulan ng abo mula sa Taal Volcano, na maglunsad ng kautusan na iliban muna ang pagpasok ng mga bata sa eskuwelahan at sa mga nago-opisina na rin, upang maiiwas ang mga ito sa masamang maidudulot ng ‘ash falls.’

Tsk! Tsk! Tsk! Malaki ang naitutulong ng ahensiyang ito sa buhay ng mga mamamayan, dahil ang bawat isa ay nakapaghahanda.

Kahit sa hatinggabi, kung may nakaambang kapahamakan dulot ng ‘ash falls,’ malaking pagbaha, malakas na lindol, bagyo o tsunami na makapagdudulot ng pinsala sa buhay ng sinuman, ay nakatatangap tayo ng kanilang mensahe na kanilang pinadadala sa ating mga cellphone. Okey na okey ang NDRRMC. Mabuhay kayong lahat dyan!

*****
Kalinisan napapanatili sa LSJDM

Alinsunod sa kampanya ng Department of the Interior and Local Government na Disiplina Muna, ang Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM) sa pangunguna ng magkabiyak na sina Mayor Art at Congw Rida Robes ay patuloy na isinasagawa o isinasakatuparan ang programang ‘Kalat, No Way! Clean As You Go Campaign,’ upang masiguro na ang kalinisan ng kapaligiran sa LSJDM ay laging napapatitili.

Tsk! Tsk! Tsk! Ang hindi malinis na kapaligiran ay nagpapalala lamang ng karamdaman pisikal, hindi maayos na kaisipan at pananaw sa hinaharap.

Ang isang maayos at malinis na paligid katulad ng ipinatutupad ngayon sa LSJDM ay nakapagbibigay ng malusog na buhay at nakatutulong sa lahat ng mamamayan nito at bumibisita dito, na sila ay ligtas sa anumang naidudulot ng karumihan. Tulad na lamang ng dalisay na samyo ng hangin, kumpara sa nakalalasong ihip ng hangin dulot ng mga nagkalat na basura sa lansangan.

Siyempre kapag maayos at malinis ang kapaligiran, ay kasunod ang organisadong pamamahala. Nakababawas din ng aksidente sa kalsada, dahil kapag nagkalat ang basura sa gitna ng daan, tiyak na iiwas ang sasakyan na posibleng sumalpok sa isang bagay o sa tao na rin. Ang kalinisan ng kapaligiran ay nagdudulot ng kaligayahan at kasiyahan sa mga nakadarama nito.

Kung may nais kayong ipalathala sa kolum na ito ay ipadala lamang sa: billones@ralo.org. Hanggang sa muli. (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleGov. Fernando, hindi kayang tawaran ang pagtulong kahit sa di Bulakenyo
Next articleMaunlad na bayan ng Pandi sa taong 2020
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here