Kalansay ng tao nahukay sa SJDM

0
984

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan — Isang kalansay ng tao ang aksidenteng nahukay sa isang bakanteng lote sa Birao, Sitio Lower Quarry sa naturang lungsod kamakailan.

Sa inisyal na ulat ni CSJDM Chief of Police P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., natagpuan ang kalansay sa isang bakanteng lote ni Dominador Birao, 59 anyos na halos katabi ng kanyang rest house sa Birao, Sitio Lower Quarry.

Base sa kanilang imbestigasyon aksidenteng natagpuan ni Birao ang ilang parte ng kalansay ng tao bandang alas-2:40 ng hapon sa naturang lugar.

Ayon sa mga awtoridad,tinatayang 10 hanggang 15 taon naibaon sa lupa ang nasabing bangkay ng tao.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng kapulisan upang matukoy ang pagkakakilanlan ng nahukay na kalansay. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here