Kalinisan ng sementeryo sa LSJDM, kapuri-puri

0
48
Opinion Column ni Vic  Billones lll

ARAW ng pagbibigay-pugay sa mga San Josenio na kinakitaan ng kabayanihan, katalinuahn at katapatan sa paglilingkod sa bayan, ang ginawaran ng pagkilala sa ika-18 Gawad Parangal, na ginanap sa Covered Court, Brgy Poblacion 1, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) kamakailan.

Sa talumpati ni Dr. Dennis Booth, Ph.D., City Administrator, LSJDM, nabanggit niya na ang Gawad Parangal ay nagsimula noong 2007. At ito aniya ay nagkaroon ng unang pagbibigay gawad parangal sa mga natatanging San Josenios, kaalinsabay sa pagdiriwang ng kaarawan ni Mayor Art Robes ng LSJDM.

“Ano nga ba ang Parangal, ito ay isang uri ng pagkilala sa natatanging kakayahan, katalinuhan at kabayanihan na ipinakikita sa paglilingkod sa Sambayanan. Ito ay tumutukoy sa moral at pagkatao ng isang ginagawaran nito. Mapalad ang mga bibigyan ng parangal sa araw na ito.

Ito ay panglabing-walong Gawad Parangal at inumpisahan ng ating Kagalang-galang na Mayor, magpapatuloy habang siya ang namumuno sa ating Lungsod. Isang napakagandang kondisyon na ipinagpapatuloy dahil ito ay isang uri pagkilala sa mga natatanging San Josenio, na kinakikitaan ng katangi-tanging kabayanihan, katalinuhan at katapatan sa paglilingkod. Para sa inyo ang araw na ito at sa inyo ang pagbati na galing sa pamunuan ng Lungsod ng San Jose Del Monte. Congratulation,” pagtatapos ni Booth.

Ayon naman kay Congw Rida Robes, “hindi naman naglilingkod si Mayor para sa sarili niya. Ginagawa niya ito dahil mahal niya ang Lungsod ng San Jose del Monte. Sa inyong lahat, thank you for the efforts. Thank you, thank you so much. Hindi ko man po kayo naaabot o nakakausap araw-araw, si Lord na po ang bahalang magbigay ng tamang regalo sa inyo. Again, Congratulations to our unsung heroes.”

Tsk! Tsk! Tsk! Maligayang pagbati sa mga ginawaran at gagawaran pa ng ganitong pagkilala. Mabuhay po kayong lahat.

*****

Isingit na din natin itong patuloy na pagbibigay karangalan sa LSJDM: Muling kinilala ang Punong Lungsod Arturo Robes at Congresswoman Florida Robes ng International Awards, kamakailan.

Iginawad kay Mayor Robes ang Lifetime Achievement Award dahil sa kanyang inilaang panahon at dedikasyon sa Serbisyo Publiko. Habang nakamit naman ni Congressw Robes ang Princesa Urduja Award, na iginagawad sa mga natatanging kababaihan na malaki ang kontribusyon sa mga gawain at programang may kaugnayan sa Humanitarian and Government Service. Ang mga karangalang ito ay iniaalay ng magkatuwang sa progreso para sa Lungsod ng San Jose del Monte.

Tsk! Tsk! Tsk! Wala na akong masabi dito, swerte ng mga San Josenio. Teka batiin natin ang PNP SJDM, Public Order and Safety Office, City Disaster Risk Reduction and Management Office, City Health Office, Bureau of Fire Protection, Community Affairs Office, City Traffic Management-Sidewalk Clearing Operations Group, General Services Office, Public Information Office at ang iba pang mga tanggapan at volunteer groups. Ito ay sa dahilang kahit gabi na at umaambon ay patuloy pa rin ang Sidewalk Clearing Operations Group sa pagsisiguro ng kalinisan sa Citrus Public Cemetery, nitong nakaraang Undas.

Tsk! Tsk! Tsk! Salamat po sa inyong lahat. Mabuhay! Hanggang sa muli. (RONDA BALITA Online)

Previous articleAng Hamon kay Robredo, Bow!
Next articleNagparamdam na si Amihan
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here