Kambal, arestado sa pagpatay sa 4 na taon gulang na batang lalaki

0
169

CITY OF SAN FERNANDO, Pampanga — Inaresto nitong Miyerkules (Feb. 17)  ng pulisya ang 18 anyos na kambal na lalaki na itinurong suspek sa karumal-dumal na pagpatay sa apat na taon na gulang na batang lalaki sa Northville 14 Resettlement Area, Barangay Calulut sa nasabing lungsod nu’ng Martes.

Kinilala ni Lt. Col. John Clark, hepe ng City of San Fernando Police Station, ang mga suspek na sina John Mark at John Kevin Salonga, pawang 18 anyos at nakatira sa nasabing lugar.

Matapos maaresto inamin ng kambal sa imbestigador ang ginawang pagpatay sa biktimang si Kian Belleza, 4 na taong gulang at kapitbahay ng mga suspek.

Nabatid na nawala sa kanilang bahay ang biktima noong Martes at makalipas ang dalawang araw ay natagpuan ang kanyang bangkay sa talahiban malapit sa isang subdivision sa Barangay Calulut. Nakasilid sa isang eco-bag ang bangkay ng biktima ng matagpuan dakong alas-11 ng gabi.

Sinabi sa pulisya ng ina ng biktima na pinahawak nya kay Kian ang kanyang cellphone para mag-igib ng tubig dakong alas-4 ng hapon noong Martes (February 16) at ng kanyang balikan ay naglahong parang bula ang biktima.

Sinabi ng pulisya na natuntun ng mga magulang ang lugar ng pinagtapunan ng mga suspek sa biktima dahil sa tulong ng driver ng tricycle na sinakyan ng kambal sa pagtapon ng bangkay ni Kian.

Ayon pa sa imbestigador pinaginteresan ng mga suspek ang cellphone na hawak ni Kian. Ang cellphone ay na-ebenta umano ng mga suspek sa halagang dalawang libo piso. Nagawa umano ng kambal ang krimen dahil nangangailangan sila perang pamasahe papunta ng Manila para mag-aaply na artista sa Star Struck ng GMA7.

Ayon sa isang kambal wala umano sila balak na patayin ang biktima ngunit nagpumiglas ito kaya nila tinakpan ng tuwalya ang mukha nito na naging dahilan umano sa pagkamatay nito. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here