Home Sumbungan Ng Bayan Kampanya laban sa droga, mawawalan ng saysay?

Kampanya laban sa droga, mawawalan ng saysay?

299
0
SHARE

MULA nang manungkulan bilang Pangulo ng Pilipinas si Rodrigo Digong Duterte  ay naging maigting na ang kampanya niya laban sa droga na kung saan nagtala na ng maraming bilang ang  napapatay at naaarestong mga sinasabing mga drug pusher at User kabilang na rin ang pagdawit ng mga kinikilalang mga tao sa lipunan , government officials at pagsibak sa puwesto.

Dahil sa pagtuligsa ng ilang mamamayan sa Pangulo na may kaugnay sa droga  at pagbaba ng ratings nito,  maging ang sangay ng Kapulisan sa pamumuno ni PNP Chief Director General Rogelio Bato Dela Rosa  ay naapektuhan na rin at nasisisi dahil sa  extra judicial killing (EJK)

Dahil dito ay biglang kumambiyo ang malacanang na ibigay na lamang ang  pamamahala sa (PDEA) o Philippine Drug Enforcement Agency laban sa kampanya ng ipinagbabawal na gamot sa halip na sa pulisya.

Marami ang dismayado sa bagong kautusan ng Pangulo sa pagpapaalis sa kapangyarihan ng kapulisan ang pagsugpo sa droga dahil ito umano ay maaring mangahulugan ng lalu pang pagtaas ng pagdami ng mga drug pusher at User dahil baka hindi umano kayanin ng iilang PDEA personnel at mawalan lamang ng saysay ang naunang nang nasimulan ng Pangulong Digong. Hehehe… isip isip!

*****

NAKAALERTO naman  ang buong puwersa ng Region-3 Police Office sa ilalim ng pamumuno ni Police Chief Supt. Amador Corpus na kung saan ay may bilang na 9,377 PNP personnel ang nakadeploy sa bahagi ng lansangan sa lugar, upang masiguro lamang ang kaayusan, seguridad  at katahimikan  at mapangalagaan na rin ang mga delegado na magmumula sa iba’t-ibang panig ng bansa kaugnay ng idadaos na 11th Asean Defense Ministers meeting at 4th Asean Summit, Oct. 22-25  na gaganapin sa Clarkfield, Pampanga.

Sa mga dadalo sa naturang pagpupulong maari rin kasing umikot ang mga panauhin sa mga lugar kung handa na rin ang buong pwersa ng Department of Public Works and Highways sa ilalim ng pamumuno ni DPWH Region-3 Director Antonio Molano, Asst. director Lorie Malaluan at mga district Engineers na umasiste sa mga bisita kung kaya’t ang mga lansangan ay kanila na ring pinaghandaan na mapanatiling maayos at maganda. Congrats po.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here