Home Lady Gaga Kampanya para sa 2019 midterm elections national level, simula na!

Kampanya para sa 2019 midterm elections national level, simula na!

36
0
SHARE

MARAHIL habang sinusulat ko ang artikulong ito ay nagsisimula na ang campaign period para sa mga national level tulad ng mga tumatakbo para sa senatorial positions at party-list.

Kaya asahan na natin ang mas masayang pagdaraos ng kapistahan, birthdays, reunion at ultimo lamay dahil lahat ng to ay sinasadya ng mga politikong nais na “magnakaw” este maglingkod pala sa masang Pilipino.

Huwag na po tayong mabigla o magulat kapag may politikong nais magbigay ng salapi bilang pandagdag tulong sa gastos sa kapitstahan, birthday etc., etc.

Aba’y sunggaban po agad natin dahil ito ay nagbibigay lang kapag may parating eleksyon at nangangailangan ng boto. Subukan n’yo na walang paparating na eleksyon tignan natin kung makikita pa natin o masisilayan ang mga hindoropot na politikong yan!

Nasa humigi’t kumulang 70 kandidato sa pagka-senador ang nasa opisyal na talaan ng Comelec, iba pa rito ang mahigit 180 partylist groups.

Kaya huwag na tayong magtaka kung mistulang laging piyesta ang paligid natin mula umaga hanggang gabi sa dami ng kumakandidato.

At lalong kukumpleto ang “ingay“ este “saya“ papl kapag nagsimula na ang campaign period for local positions.

Ang local campaign period para sa Members of the House of Representatives and elective Regional, Provincial, City and Municipal Officials say magsisimula sa March 30 hanggang May 11, 2019.

Umaatikabong pukpukan ito ng lakas ng mga sarili at bitbit na sound system ng mga politiko habang umiikot sa inyong lugar.

Pero huwag po tayong padadala sa bagsak ng kanilang mga salita at sa mga pangako na kanilang bibitiwan. Piliin po natin ang karapat-dapat sa posisyon na alam nating magsisilbi ng tapat sa mamamayan at magpapakita ng husay at pagmamahal sa bayan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here