Kampanya versus illegal gambling “TIGAS NG ULO, HUWAG PAIRALIN!”

0
47

ILOCOS SUR — Matapos ang mga sunod-sunod na inulunsad na anti-illegal gambling operations ng mga kapulisan sa lalawigang ng Ilocos Sur na pawang positibo ang naging resulta, muli na namang nagpaalala si Police Colonel Emmanuel H. Reyes, OIC ng Ilocos Sur Provincial Police Office, sa mga mamamayan na huwag nilang pairalin ang tigas ng ulo kung ayaw nilang maaresto at magkaroon ng kaso.

Ayon kay Reyes, sa loob lang ng linggong ito ay may 18 katao ang arestado sa Ilocos Sur dahil sa illegal gambling activities tulad ng paglalaro ng tong-its, pusoy dos, at mahjong.

Pitong katao ang nahuli sa Brgy. Cagayungan, Narvacan noong Miyerkules; anim sa Brgy. Sta. Lucia, Narvacan noong Huwebes; at , apat na katao naman sa Brgy. Paras, Candon City, noong Biyernes.

Sinabi ni Reyes na sa kabila ng mahigpit nilang kampanya sa radio at pagdaraos ng meeting sa mga bara-barangay para pangaralan at paalalahanan ang mga tao against illegal activities, nagtataka siya kung bakit may mga nahuhuli pa rin.

“Sana naman tigilan na nila ang pagsusugal para wala silang problema. Dahil kami, trabaho naming ipatupad ang batas. Para huwag silang mahuli, tigilan na nila ang pagsusugal. Marami namang pwedeng gawin diyan para maglibang. ‘Yun na lang para walang huli,” wika ni Reyes. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here