Home Video Kampanya vs Jaywalkers paiigtingin ng Malolos police

Kampanya vs Jaywalkers paiigtingin ng Malolos police

382
1
SHARE

PAIIGTINGIN ng Malolos City police ang pagpapatupad ng anti-jay-walking law o pagtawid sa hindi tamang tawiran.

Ayon kay P/Supt. Heryl “Daguit” Bruno, chief of police ng Lungsod ng Malolos, na simula sa isang linggo ay huhulihin na nang mga pulis ang lahat ng lalabag sa anti-jaywalking law.

Dagdag pa nito na panahon na para disiplinahin ang mga indibidwal na pasaway sa lansangan.

Dito sa mga footbridges ang tamang tawiran upang maiiwasang mahuli ng mga otoridad sa pagpapaigitng ng kampanya laban sa mga jaywalkers.

“Kadalasang mitsa ng kamatayan ang pagtawid sa di tamang tawiran bukod pa sa pagbagal ng daloy ng trapiko sa mga malapit sa paaralan,” ani pa ni Bruno.

Marami ang pinagpipiliang parusa sa mga lalabag sa nasabing batas at ilan dito ay ang papapakanta ng Pambansang Awit sa harap ng police station. Maari rin pagwalisin sa kahabaan ng McArthur highway ang mga mahuhuli o paglinisin ng mga palikuran at pagmultahin sa itatakdang halaga.

Kasali rin sa mga batas na umiiral na hihigpitan ay ang paghuli sa mga driver na walang disiplina sa pagbababa at pagsasakay ng mga pasahero.

Ang implimentasyon ng mga umiiral na batas sa lungsod ay ipatutupad ng mahigpit upang madisiplina at maiwasan ang sanhi ng aksidente.

Ginawa din aniya ang mga footbridges sa buong siyudad upang gamitin at maiwasan ang pakikipag-patintero kay kamatayan.

SHARE
Previous article3 Abu Sayyaf Urban Terrorist Group members, arrested in QC
Next articleSen. Villanueva teaches social studies to school kids in Malolos City
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here