Home Kakampi Ng Masa Kampanyahan na naman para sa midterm eleksyon, saan kayo tataya?

Kampanyahan na naman para sa midterm eleksyon, saan kayo tataya?

17
0
SHARE
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

KANYA-KANYA nang galaw ang mga politikong nangangarap maglingkod sa ating bayan.

Katunayan mistulang Pasko pa ang tanawin sa ibat ibang mga lugar sa ating bansa, dahil sa animo’y Christmas Tree ang mga poste, puno ng kahoy, at mga kable.

Dahil sa ibat-ibang sukat ng tarpaulin na may larawan ng mga kandidato kaya kung wala kang makinarya dehado ka kaibigan.

Bagama’t may ibang mga paraan ang ilang mga politiko, nakakakuha naman sila ng simpatya sa tao dahil sa pagiging makakalikasan, dahil ayaw nilang magkaroon ng kalat sa kapaligiran.

Kaya saludo po tayo sa mga politikong totoo ang malasakit sa kapaligiran at sa kalikasan.

Sa isang banda mga ’igan dapat maisip ng mga botante ang mahahalagang kaalaman na tulad ng maka kalikasan at hindi ang pera mula sa kaban ng bayan ang binabantayan.

Sabi nga ni Ka Baste, maraming mga dating politiko ang nangangarap na magsilbing muli at paglingkuran ang kanyang mga kababayan.

Meron din namang ginawa nang hanap-buhay ang pagiging politiko kaya ayaw nilang mawala sa puwesto.

Kaya karaniwang binabantayan ng ilan ang pakinabang sa pera o buwis ng taong-bayan.

Dapat maging mapanuri at mag research din pag may time bago tumaya upang mapag-aralan kung dapat pa ba silang ibalik o iluklok sa pangarap nilang pwesto.

Vote wisely mga ’igan, tiyak na maraming mga TRAPO ang gagamit ng kuwarta mula sa donasyon ng kanilang mga kaibigan.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon mag-send lamang sa thony.arcenal@gmail.com (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here