Home Katropa Rumoronda Kanilang bisyo ay serbisyo sa mga San Josenios

Kanilang bisyo ay serbisyo sa mga San Josenios

30
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

PAGPAPADAMA ng tunay na serbisyo sa mga San Josenios, ito ang ipinagkakaloob ng mag-asawang sina Mayor Arturo Robes at Congw Rida Robes, ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM.) na ang mga pangarap ng mas nakararami ay kanilang naipatutupad ng maayos sa kanilang nasasakupan. Ang patuloy na pagunlad ng tinaguriang ‘The Rising City,’ ay patungo sa lubusang pagka-urbanisado nito.

Anu-ano ba ang kanilang naipadamang serbisyo sa taumbayan? Sa ating paghahalungkat ay ating napag-alaman, at batay na rin sa mga nasaksihan ng nakararaming San Josenios, na nitong nakaraang taon ay napansin ang kanilang ganap na pagkalinga sa mga San Josenios. Sa mga programang People’s Day ni Rida Robes, kung saan Sa Alagang Ate Rida ay nakakaulayaw at natutulungan ng personal ang mga nangangailangang San Josenios, Ang Serbisyo Caravan na pinangungunahan ni Mayor Art Robes, kung saan ang mga serbisyo ng lokal na pamahalaan ay ibinaba sa mga Barangay. Ang pagsasaayos ng mga kalye, gusali ng mga pangkalusugan, ang Covered Court, mga Day Care Centers, Multi purpose Hall at iba pa.

Kung mapapansin din ninyo, maayos na pinamamahalaan ng Administrasyong Robes, katulong ang mga lingkod bayan sa pagsasaayos ng trapiko sa mga pangunahing kalsada ng Lungsod, ang paglilinis at pagpapaluwag sa mga palengke. Gayundin ang pagbibigay ng sapat na kaalaman at kasanayan ng City Disaster Risk Reduction and Management Council para makaiwas sa mga panganib na maaaring kaharapin ng sambayanan.

Sa iba pang programa tulad ng AICS, mga pamilyang natulungan na makapaghanap-buhay, napagkalooban ng NEGO Cart at pumaloob sa pangkabuhayan program, ang Administrasyong Robes ay hindi nag-atubili sa pagtulong. Isama na dito ang kaunlaran sa Agrikultura.

Kaya nga ang mabuting pamamahala ni MayorArt Robes ay nagbubunga ng binhing tinatamasa ng mga mamamayan ng LSJDM, na kinilala sa bansa at sa buong mundo. Maliban sa lagiang matagumpay na pagdaraos ng Tanglawan Festival, ilan sa mga nakamit na parangal ng Administrasyong Robes, nitong nakaraang taon ay ang pagiging 2018 Outstanding LGU Health Partner, Ospital ng LSJDM- Best in Healthcare Waste Management, Local Registry Office -1st place- Timely Submission of Documents, 2nd place-Best City Risk Reduction and Management Council, Finalist for 2018 Most business friendly local Gov’t Unit, Environment – Friendly Award na iginawad ng Manila Times, Excellent Implementation of the Rabies program at iba pa. Dahil sa kasipagan at pagmamahal sa bayan si Mayor Robes ay ginawaran ng 1st Philippines Outstanding Achiever of the year for Public Service. Outstanding Mayor of the Philippines 2018- 17th Annual Gawad Amerika Award, Most Outstanding Mayor Award 2018-ipinagkaloob ng Superbrand Marketing Int’l Inc. at 2018 Civil Service Commission Pag-asa regional Awardee ng CSC.

Tsk! Tsk! Tsk! Walang pasubali na ang kanilang bisyo ay serbisyo sa mga San Josenios! Mabuhay po kayo.

Kung may nais kayong ipalathala ay mangyaring ipadala sa ating email: billones@ralo.org, Hanggang sa muli! (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMoney lender shot dead in Santa Maria, Bulacan
Next articleMayDon mas may ‘chemistry’ kaysa sa MayWard
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here