Home Editorial Kanino ba dapat mapunta ang reward money?

Kanino ba dapat mapunta ang reward money?

193
0
SHARE

KANINO ba dapat ibigay ang nakatakdang pabuya na nakapatong sa ulo nina Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon at kay Omar Maute?

May P10 milyon ang patong sa ulo ni Hapilon habang P5 milyon naman kay Maute at hindi pa kasama dito ang US$5 million reward na inilaan ng pamahalaan ng Estados Unidos para sa ulo ni Hapilon.

Sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ay mayroong mambabatas na nagsabing karapat-dapat lamang na ibigay sa mga sundalong nakapatay sa dalawang pinuno ng mga terorista ang reward money dahil hindi kayang tawaran ang kanilang ipinakitang kabayanihan para mabawi mula sa kamay ng mga terorista ang Marawi City.

Sa panig ni Armed Forces of the Philippines (AFP) chief of staff Gen. Eduardo Año ay sinabi nito na pag-aaralan at pagpapasyahan ng Joint AFP-PNP Rewards and Valuation Committee kung kanino ibibigay ang pabuya.

Hindi biro ang halagang nasambit kung mapupunta pamilya ng mga sundalong makakatanggap ng pabuya pero ’ika nga iba baka magkaroon pa ng kontrobersiyal dahil misyon naman ng ating kasundaluhan na makuha nang buhay man o patay ang mga nabanggit na mga pinuno.

Kung para sa rehabilitasyon ng Marawi ibibigay ang pondo ay maraming kababayan din natin sa lungsod na iyon ang matutuwa.

Alam naman natin na malaking pondo ang kinakailangan para maibangon mula sa pagkawasak ang Marawi.

Sana lang ay mapagpasyahan ito nang mabuti. Mapunta sa karapat-dapat na layunin sa halip na maging mitsa pa ng pagtatalu-talo.

Ibigay ito sa karapat-dapat at huwag nang haluan ng pulitika!

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here