Kap. Mila Lacap ng Sto. Niño, Hagonoy, tunay na lingkod bayan!

0
46
An opinion column by Louie C. Angeles

KAPITANA Mila Lacap, ang tinaguriang Lady Public Servant ng Barangay Sto. Niño sa Bayan ng Hagonoy.

Maituturing na isang tunay na lingkod bayan si Kapitana Lacap dahil sa kanyang angking galing sa pagtugon sa lahat ng suliranin sa kanyang pinaglilingkurang barangay.

Maging ang kanyang mga mamamayan ay napakalaki ng kanilang paghanga sa nasabing punong barangay dahil sa kababaang loob nito sa mga higit na nangangailangang ka-barangay.

Maging sa malaking suliranin sa mahabang panahon na tubig baha kapag hightide ay mabilis nitong nabigyan ng solusyon ng ipaayos ang kanilang drainage canal upang mabilis ang paghupa ng tubig mula sa Hagonoy River sa tuwing tumataas ang naturang ilog. Kaya hindi na nahihirapan ang mga motorista na dumadaan sa kanilang barangay.  

Nang nagsimula ang pandemya dulot ng COVID 19 ay kanyang pinagsumikapan na mabigyan pansin ang pagkalinga sa mga ka-barangay na biktima ng nasabing virus hanggang umabot at maging zero covid ang kanilang barangay. Ito ay bunsod na rin sa pakikipagkaisa ng kanyang mga kasamahang nanunungkulan sa kanilang barangay.

Agad ding tumugon si Kapitana Mila sa malaking suliranin ng pampublikong paaralan sa kakulangan ng modules na kailangang makumpleto ang 50% na kapupunan ng 50% mula sa DepEd Central Office.

Para maging one is to one na ang module ng bawat estudyante sa kanilang mga paaralan sa pampubliko at ng maiwasan ang paghahawahan ng virus na COVID 19 agad na naglatag ng solusyon si Kap. Mila.

Dahil sa mahusay na ginawang paglilingkod sa Barangay ng Sto. Niño, Hagonoy ni Kapitana Mila Lacap ay kuwalipikado siya na maging butihing ina na magpapa-angat ng antas ng pamumuhay ng bawa’t mamamayang Hagonoyeño.

At sa taong 2022 ay taon ng mga kababaihan. Mga kababaihang handang maglaan puso at angking husay sa paglilingkod sa mamamayan at sa bayan.

Kaya naman dapat nang maging mulat ang diwa ng mga mamamayan sa Bayan ng Hagonoy na maghalal ng babaing may angking kakayahan sa pamamahala para maging tunay na Class A ang kanilang bayan.

Mabigyan ng tunay na malasakit sa lahat ng mamamayang higit na nangangailangan. At alang hangad kundi ang itaas ang antas ng kabuhayan ng mga mamamayan lalo na ang kinabukasan ng mga kabataan sa pamamagitan ng scholarship program.

Basta taga-Hagonoy, siguradong Lacap sa 2022. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here