Home Simple Lang Kapag may krisis ang pamumuno apektado nito ang buong estado

Kapag may krisis ang pamumuno apektado nito ang buong estado

46
0
SHARE

SINASABI ng mga eksperto sa takbo ng ekonomiya na kapag mayroong krisis sa pamumuno ay naaapektuhan daw nito ang halos buong estado.

Parang mahirap unawain sa umpisa ang ibig sabihin ng krisis sa pamumuno. Pero habang tumatagal at habang dahan-dahang kong tinitimbang ang bawat anggulo ng takbo ng pamumuhay nating  mga mamamayang Pilipino  ay unti-unting lumilinaw sa aking pananaw ang malaking epekto ng sinasabing krisis sa pamumuno.

Marami ang nagsasabi lalo na ang mga dayuhan na ang Pilipinas daw ay isa na sa maituturing na mayroong pinaka- mayamang komunidad kung ang pag-uusapan ay ang mga karanasan na maaaring mapagkuhanan ng mga batayan sa isyu ng pamumuno sa mga organisasyon sa bawat sector ng ating lipunan.

Organisado raw ang lipunang Pilipino dahil  ang dami nating mga  iba’t-ibang organisasyong nakatayo at itinatayo pa sa ating mga pamayanan. Kagaya sa mga mga paaralan, sa hanay ng mga kabataang estudyante, sa sekta ng relihiyon, sa hanay ng mga manggagawa, ng mga magsasaka at maging sa loob ng militar, maka-kaliwa man ito o hindi at maging sa larangan ng pamamahayag. Mga samahang may kanya-kanyang mga layunin, interes at ibat- ibang mga paksiyon

Ipinagmamalaki nating mga Pinoy na tayo ay may pagkakaisa at magagawa nating pababain sa puwesto ang isang tiwaling lider at ‘yan pinatunayan na natin sa nangyari noong Edsa People Power ng nagdaang dalawang administrasyon

Pero ang tanong ng nakararaming mga mahihirap na Pinoy ay ganito,- Bakit sa kabila ng pagiging organisado ng ating bansa, eh marami  pa rin ang mahirap? Bakit hindi matapos-tapos at nagpapatuloy ang krisis na kinakaharap ng ating bansa? Bakit kapag sa katiwalian ay kasamang palagi sa listahan  ang Pilipinas? Bakit kulelat tayo sa Asia kung ang pag-uusapan ay kaunlaran sa ekonomiya? Bakit ang dami pa ring mga istambay na walang hanapbuhay; At bakit patuloy nating  iniluluklok sa posisyon ang mga tiwaling lider na wala namang ginawa kundi ang magpayaman

Siguro ang tagumpay sa pagiging isang lider ay nakatuon sa husay at tatag ng isang pamumuno. Dapat ay may tamang direksyon at paniniwala ang isang lider. Maaaring paunlarin ang kalagayang ginagalawan ng isang lider kung mayroon itong malinaw na patutunguhan. May nakapaloob na misyon at bisyon, at higit sa lahat ay mayroon itong taglay na layunin para sa tunay na pagbabago; Ito man ay banayad o sa mababaw na pamamaraan pero naroroon pa rin ang  prinsipyo ng paninindigan.

Dapat ang isang lider ay marunong tumalima sa mga batas na ginawa ng  DIYOS at pangalawa sa mga batas na ginawa naman ng tao.

“A nation has a soul, a spiritual principle. One is in the past, and the others is in the presents. One is in the possession of a rich legacy of memories; The other is the desire to live together and to value the common heritage.”

 

GOD Bless po sa ating lahat…

 

SHARE
Previous articleSalamat, Malolos City Mayor Christian D. Natividad
Next articleKailangan ng palitan ang mga lumang jeep!
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here