Kapasyahan at ordinansa laban sa COVID, pinagtibay

0
1629

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Upang mapalakas ang laban kontra sa nakamamatay na sakit na COVID-19 sa lalawigan ng Bulacan, pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan sa pangunguna ni Vice Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado ang ilan sa mga kapasyahan at ordinansa.

Ayon kay VG Alvarado, una nilang ipinasa sa Sanggunian ang supplemental budget para sa COVID-19 at ang deklarasyon ng state of calamity sa lalawigan upang bigyang daan ang mga hakbanging hadlangan ang paglaganap ng COVID-19 sa Bulacan.

Ilan din sa mga pinagtibay ang pagbibigay ng halagang P500 bilang hazard pay sa mga empleyado ng lalawigan at frontliner na pumasok at nagtrabaho sa panahon ng pandemic.

Ang obligadong pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar ay agad na pinagtibay ng Sanggunian upang maproteksyunan ang kalusugan ng mga Bulakenyo laban sa nakakahawang sakit.

At ang maagang pagpapalabas ng 13th month pay ng mga empleyado ng Pamahalaang Panlalawigan upang may magamit na suporta sa pang-araw araw na pangangailangan habang umiiral ang modified enchanced community quarantine.

Hinikayat din ng presiding officer ng Sanggunian sa katauhan ni Vice Gov. Alvarado ang ibayong pagpapatupad ng social distancing at pagsusuot ng facemask sa lalawigan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here