Kapihan sa Barangay sa Obando

0
144

LINGGUHANG ginagawa ni Obando Mayor Edwin Santos (pangalawa sa kaliwa), kasama ang buong puwersa ng Municipal Health Office (MHO) sa pamumuno ni Dr. Mike Raymundo ang Kapihan sa Barangay.

Nakapaloob sa aktibidad ang personal na paghahatid ni Mayor Santos sa pamamagitan ng MHO ang iba’t-ibang serbisyo-medikal para sa mga Obandenyo. Pagakakataon na ring mabalitaan niya ang mga Obandenyo, sa magagandang senaryo na ihahatid ng itatayong Bulacan International Airport at ilang mga ulat patungkol sa kalagayan ng Pamahalaang Bayan.

Makikita sa larawan sina Mayor Santos, Dr. Raymundo at Konsehal Rowel Rillera (una sa kaliwa) na nagkonkonsultahan habang tininitignan ng mga tauhan ng MHO ang mga pasyente na residente ng Barangay Hulo noong ika-8 ng Nobyembre 2019. (RONDA BALITA Online)

Source: Obando Public Information Office

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here