Home News Blog Karamihan ng yaman sa buong mundo hinakot ng iilang bilyonaryo

Karamihan ng yaman sa buong mundo hinakot ng iilang bilyonaryo

247
0
SHARE
Winnie Byanyima, Oxfam Executive Director

IISANG porsyento lamang ang bilang ng pinakamayayaman sa nilalang sa mundo pero halos hakutin na nila ang buong yaman ng mundo noong nakalipas na taon, ayon sa Oxfam, ang international confederation ng charitable organizations na nakatutok sa pagpapaangat ng kabuhayan mula sa kahirapan.

Nasambit sa ulat ng naturang organisasyon, 82 porsyento ng nilikhang yaman noong 2017 ay napunta lang sa mga bilyonaryo samantalang ang 50 porsyento ng mahihirap ay hindi nabahagian ng yaman na ito.

Ayon pa kay Oxfam executive director Winnie Byanyima sa isang statement, “The billionaire boom is not sign of a thriving economy but a symptom of a failing economic system.”

Nabatid din na anim na beses lumaki ang yaman ng mga bilyonaryo kaysa sa mga ordinaryong manggagawa simula noong 2010.

Inilabas ng Oxfam ang report upang ilarawan ang mukha ng global economy kung saan ang iilang bilyonaryo lang ang pinapalad sa buhay samantalang sadsad pa rin sa kahirapan ang ilang daang milyong nilalang sa sanlibutan.

SHARE
Previous articleDOJ dedesisyunan na ang kaso ng Aegis Juris hazing victim
Next articleMobile devices na may network lock, ipagbabawal
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here