Kasal nina Raymart at Jodi, fake news!

0
192

UMIIKOT sa online world ang umano’y wedding nina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria.

Isang video clip ang nagsi-circulate sa social media ng kasal umano ng current celebrity couple.

Siyempre, wala namang maniniwala na nagpakasal nga ang dalawa.

In short, fake news lang ang lahat.

Para sa kaalaman ng marami, hindi pa pwedeng magpakasal na dalawa kahit gustuhin nila.

Parehong hindi pa annulled ang kasal nina Raymat at Claudine Barretto likewise Jodi Sta. Maria at Pampi Lacson.

Kaya nga hindi mapakasalan ni Pampi ang live-in partner nitong aktres na si Iwa Motto kahit may dalawa na silang anak dahil nadeny sa korte ang penitisyon nilang annulment paper.

Samantala, si Claudine ay nanatiling single mom sa piling ng kanyang biological son na si Santino at sa tatlong adopted children. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here