Home National News Kaso laban sa Sanofi Pasteur, pinalalakas ng DOH

Kaso laban sa Sanofi Pasteur, pinalalakas ng DOH

169
0
SHARE

NAIS makatiyak ng Department of Health (DOH) na malakas at matibay ang kasong isasampa laban sa French pharmaceutical giant na Sanofi Pasteur, ang gumawa ng kinuwestiyong Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat maging matatag ang mga ebidensiya na gagamitin laban sa Sanofi na kakasuhan ng danyos perhuwisyo o civil damage.

Tiniyak din ng kalihim na masusi ang kanilang pakikipag-ugnayan sa Solicitor General upang walang anumang magiging butas sa asunto at hindi mababasura.

Aminado si Duque na tanging ang Public Attorney’s Office (PAO) na lamang ang walang kooperasyon sa ginagawang imbestigasyon ng ahensya.

Dapat aniya ay nagtutulungan ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan upang magkaroon ng linaw sa pagsisiyasat sa kontrobersiya.

Tinatayang 833,000 na kabataan na pawang mag-aaral sa pampublikong eskuwelahan ang naturukan ng Dengvaxia at habang ang iba sa kanila ay namatay na. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here