Kaso ng Covid-19 sa Bulacan, umakyat na sa 16, lima dito namatay

1
925

MALOLOS CITY, Bulacan — Nadagdagan ng anim mula sa dati nitong sampung kaso ng coronavirus-19 (COVID-19) ang lalawigan ng Bulacan kung kaya umakyat na sa 16 ang positibong kaso ng COVID-19, at lima naman ang binawain na ng buhay.

Ito ang inilabas na report ng Bulacan Provincial Health Office (Bulacan-PHO) nu’ng Friday ng halpon.

Ang nadagdag na anim na may kaso ng COVID-19 ay isang 57 anyos at 59 anyos na pawang lalaki mula sa siyudad ng Malolos; isang 40 anyos na babae mula sa bayan ng Pandi; isang 65 anyos na lalaki mula sa siyudad ng San Jose del Monte; isang 68 anyos na babae mula sa bayan ng Marilao at si 4th District Congressman Henry Villarica mula sa siyudad ng Meycauayan.

Lima naman sa 16 na kaso ng Covid-19 ang binawian na ng buhay, dalawa mula sa bayan ng San Ildefonso, isa mula sa bayan ng Marilao at dalawa mula sa siyudad ng San Jose del Monte.

Ang 16 na kaso ng COVID-19 sa lalawigan ay nagmula sa City of San Jose Del Monte (4), Malolos (4), San Ildefonso (2), at tig-iisa naman ang mga bayan ng Guiguinto, Bulakan, Baliwag, Marilao, Pandi at Meycauayan.

286 naman ang active person under investigation (PUI) at 1362 ang active person under monitoring (PUM).

Sa naturang bilang ng PUI, 61 dito ay clear na at 728 naman ang clear na sa PUM mula sa 1362 na bilang.

Samantala, sinabi naman ni Guiguinto Mayor Ambrosio Cruz Jr., na nag-negative na mula sa Covif-19 si PH116 at kinakailangan na lamang muling isailalim sa repeat testing bilang bahagi ng protocol ng DOH. (RONDA BALITA Online)

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here