Home National News Kaso ng pagpatay sa Badoc noong Mayo, natuldukan na

Kaso ng pagpatay sa Badoc noong Mayo, natuldukan na

33
0
SHARE

LAOAG CITY — Itinuturing ng mga miyembro ng PNP sa Badoc, Ilocos Norte na natuldukan na o “solve” na ang nangyaring pamamaril sa Brgy. La Virgen Milagrosa sa bayang ito noong buwan ng Mayo bago mag-barangay election.

Ito ay matapos na maaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant of arrest ang itinuturong suspek sa naturang pamamaril na si Clarence Butista, 27 anyos, may asawa at residente ng Brgy. Gareta ng naturang bayan nung Sabado (Dec. 1).

Matatandaan na isang nagngangalang Ramil Laforga, 47 anyos, asawa ni Rose Marie Laforga na kandidato sa pagka-Barangay Chairman sa naturang barangay, ang nasawi sa naturang pamamaril habang sugatan din sa naturang insidente ang dalawang anak ng mag-asawa na sina Melrose Laforga at Rwen Jean Laforga.

Ayon kay Police Senior Inspector Joseph Tayaban, hepe ng Badoc-PNP kasong murder, double attempted murder at comelec gun ban ang isinampa sa korte laban sa suspek.

Ang suspek ay nasa kustodya ngayon ng Badoc-PNP. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article6 members of communist terrorist group, surrender in Sultan Kudarat
Next articleDrug suspect neutralized in Bulacan, 4 arrested including minor
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here