Home Ok Ka Lang Kaso ng suicide sa Japan hinahanapan ng lunas!

Kaso ng suicide sa Japan hinahanapan ng lunas!

316
0
SHARE
Opinion Column by Naneth T. Hirano

SA pagdami ng bilang ng mga kaso ng pagpapakamatay o karoshi sa bansang Japan ay naging hamon para sa kanilang gobyerno para hanapan ito ng katampatang lunas.

Umaabot sa libu-libong bilang ng mamamayan taun-taon ang ang may mga kaso ng karoshi sa kanilang bansa dahil sa iba’t-ibang uri ng mga suliranin at kadahilanan.

Isa sa maituturing na kadahilanan ng pagpapakamatay ayon sa ulat na natatanggap ng gobyernong Hapon ay ang sobrang pagtatrabaho o overworked na mga manggagawa.

May isang Hapon na nagpost pa sa kanyang blog ukol sa kanyang mga nararamdaman bago tuluyang nagpakamatay.

Ayon kay Naoya na isang Hapones na mababasa sa kanyang sariling blog: “Bakit nga ba sobra kung magtrabaho ang mga Hapon? Wala akong magawa, wala na akong gustong gawin, nayayamot ako, napapagod at naririmarim. Pilit ko mang itago, pigilin ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng pag-inom ng mga gamot. Pero hindi rin ito nakatulong para mapanatag ang aking isipan. Pakiramdam ko ay wala na akong lakas ng loob para mamatay! Gusto ko lang maglaho, pero hindi ko alam ang aking gagawin. Hindi ko na kaya ang lahat ng ito. Sa ngayon ang nais ko lamang ay lumayo o mas pipiliin ko na lamang ang magpakamatay!” na siya nga nitong isinagawa.

Na siya ring naging kapalaran nitong si Syota Nakahara, 32-taong-gulang, dating System Engineer na nagpakamatay rin dahil sa sobrang subsob nito sa pagtatrabaho.

Dahil sa kagustuhan ng mga Hapon, karamihan ay mga kabataan na mapanatiling may kabuhayan, pinagkakakitaan at permanenteng hanapbuhay ay todo ang ginagawa nilang pagtatrabaho.

Sa datos ng Japan Ministry of Health, Labour and Welfareay mayroong 50% naitalang compensation cases for work related mental illness ang kanilang naitala na ang karamihan sa nagkakaroon ng ganitong kaso ay pawang mga kabataan na ang mga edad ay mula 20 hanggang 39 na taong-gulang na nauuwi nga sa kanilang mga pagpapakamatay.

Napag-alamang sa bilang na 30,000 kaso ng mga nagpakamatay noong taong 2010, ang 10,000 ay may kadahilanan na sobrang subsob sa pagtatrabaho o overworked.

Ayon sa Health, Labour and Welfare Ministry, magbibigay sila ng mga pagsusulit o examination sa lahat ng mga empleyado ng kanilang bansa para alamin ang kani-kanilang mga stress level!

Sa paniniwalang marami na sa bansang Hapon ang nagdurusa sa kasalukuyan ng suliranin sa pag-iisip dahil sa sobrang pagtatrabaho!
`
Sa ilalim ng rebisyon ng Industrial Health and Safety Law ang pagsusulit na questionnaire ay nakatakda para sa may 20 milyong manggagawa o empleyado ng may 16 na libong kompanya sa buong bansa ng Japan.

Ayon kay Psychiatrist Takashi Amagasa, ang layon ng mga pagsusulit ay para alamin ang Stress Level ng lahat ng mga manggagawa o empleyado para mabigyan ng agarang kalutasan ang sobrang pagkaaba sa kanilang sarili, ang mga kalungkutang kanilang nararamdaman at agarang maagapan ang sino mang nagkaroon ng problema sa pag-iisip!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here