Home Bulacan Local News Katawan ng lalaking walang ulo at paa, natagpuan sa SJDM

Katawan ng lalaking walang ulo at paa, natagpuan sa SJDM

144
0
SHARE

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan — Karumal-dumal ang sinapit ng isang lalaki matapos na matagpuang napugutan ng ulo, walang dalawang binti at naagnas na katawan habang nakasilid sa isang maleta kahapon ng umaga sa Quirino Highway, Marcela 5, Brgy. San Manuel sa nasabing lungsod.

Ayon kay P/Lt. Col. Orlando Castil Jr., hepe ng San Jose del Monte Police, isang naghahakot ng basura na nakilalang si Rodelio Gorriceta, 22-anyos ang nakakita sa nasabing maleta sa gilid ng kalsada dakong alas-5:30 ng umaga.

Kinuha umano ni Gorriceta ang maleta at inilagay sa likurang bahagi ng trak ng basura.

Pagdating nila sa dumpsite, doon niya binuksan ang maleta at laking gulat niya nang tumambad ang isang na­ngangamoy at naaagnas nang bangkay ng isang lalaki na walang ulo at walang mga binti. Agad niyang ipinagbigay-alam sa mga otoridad ang kanyang nasaksihan.

Inaalam pa ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng putol na katawan ng biktima at hinala ng mga ito na sa ibang lugar kinatay ang lalaki at itinapon ang ulo at dalawang binti nito. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here