Kathryn insecure sa kanyang legs, love naman ni Daniel

0
144

HINDI naman ikinakaila ni Kathryn Bernardo na may insecurities siya sa sarili.

Isa na rito ang kanyang legs.

Marami ang nagsasabing siya ay sakang, pabebe kaya naman sa bagong vlog ng actress ay hindi siya nag-dalawang isip na i-brough out kung ano ang sinasabi sa kanya noon ng kanyang hate people.

Ani Kath sa kanyang YouTube channel,

“Alam kong maraming nag-intay nito sa inyo kasi I did this a few years ago.

Sabi namin ‘why not make a new one? Maybe an upgraded version?’ And tingnan natin kung ano naman ang mga pamba-bash nila saken ngayon.”

Sa vlog ng aktres, ibinahagi niya ang mga komento tungkol sa kanyang physical appearance hanggang sa husay niya sa pag-arte
Maging ang mga komento tungkol sa kanyang legs kung saan yun ang laging nilalait sa kanya mula nang siya ay magdalaga.

“Ang daming time talaga ng bashers. But ngayon talaga hindi na ako na-bobother. Alam niyo, over the years natutunan kong tanggapin ‘yung legs ko. Yes it’s not straight. Parang parentheses ‘yun ‘yung sinasabi nila. But wala, parte siya ng pagkato ko.”

Pero, ang lahat daw ng insecurities na kanyang nararamdaman ay nawala dahil sa boyfriend na si Daniel Padilla.

“Before, sobrang insecurity ko ‘to. Pero alam niyo kung sino ang nagpa-realize sakin ‘wag maging insecure? Si DJ. So through DJ, na-overcome ko ‘yung insecurity ko about my legs. Ngayon as in kahit ano’ng tayo ko ganyan. Kasi na-realize ko, lahat tayo merong imperfections.

Dagdag pa ng aktres: “So siguro nagkataon sa akin because binigay sa akin ni God ‘yung legs ko. Anong gagawin ko? Eh di nag-wowork out ako para ma-exercise siya. And tatanggapin ko siya kasi hello ‘di naman ako makukulong sa pagka-sakang ko no? So, I love my legs and si DJ love din legs ko.”

May paghahamon pa si Kathryn na “so c’mon you kiss my fckn’ legs.” (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here