Kathryn may babybump na rin?

0
107

HAHAHA… Kakaaliw ang mga netizens everytime na may nakikitang post ang mga celebrities na medyo malaki ang tummy, komento agad ng mga ito ay preggy sila.

Kamakailan ay si Arci Munoz ang tinanong ng netizen sa comment section ng socmed ni Arci.

Halos magkasunod lang ang komento para naman sa jowa ni Daniel Padilla na si Kathryn Bernardo.

Naka-color green-checkered dress na suot si Kath na pinost with DJ (kaya lang naka-crop ang kalahating katawan ng actor). Whole body ang shot kaya naman kita ang tummy ng actress.

Dahil sa spekulasyon ang netizens kung buntis ang actress, binaha ng tanong si Kath. “Parang preggy…”  “looks like babybump…: “Wow preggy ka idol?”, etc.

Dinepensahan naman ng mga fans ang actress.

Anila, “Di pwedeng busog lang siya kasi may pambili siya ng pagkain? Utak nyo nasa Mars.”

Nasa eight years na ang relasyon nina Kath at DJ.

May isang source na malapit sa aktres ang nagsabi na may planong magpakasal ang celebrity couple sa 2022.

Pero ang balitang ito ay wala pa ring kumpirmasyon mula sa dalawang Kapamilya artists, although napag-uusapan at nagpaplano naman daw sila hinggil sa mga bagay-bagay.

Nabanggit na rin naman ni Kath sa isang panayam na wedding beach ang gusto niya, if ever na ikakasal siya. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here