Home Video Kauna-unahang Agila Rescuelympics, tagumpay na isinagawa

Kauna-unahang Agila Rescuelympics, tagumpay na isinagawa

261
0
SHARE

NAGING matagumpay ang isinagawang kauna-unahang Agila Rescuelympics sa Lungsod ng Malolos matapos itong daluhan ng mga barangay at school disaster groups  na nagtagisan ng kanilang mga kaalaman kung paano makapagliligtas ng buhay at ari-arian ng tama at mabilis na paraan

Sa pangunguna ng Pamahalaang Lungsod ng Malolos sa pamamagitan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), isinagawa ang nasabing paligsahan kaalinsabay sa pagdiriwang ng National Disaster Resilience Month 2017 na may temang 4KS: Kamalayan sa kahandaan, Katumbas ay Kaligtasan noong Hulyo 27, 2017 sa Malolos Sports and Convention Center.

Ayon kay Mayor Christian D. Natividad nais niyang mas maraming Malolenyo ang magkaroon ng pagsasanay ukol dito dahil sa naiiba na ang panahon ngayon.

“Sakaling magkaroon ng emergency o kalamidad sa ating lungsod, sa kani-kanilang mga barangay at eskwelahan pa lang ay handa na sila at hindi na magiging malaki ang pinsala. Mahalagang maimulat ang mamamayan sa kahalagahon ng pagiging handa sa pagdating ng sakuna,” ani Natividad.

Ang kumpetisiyon na pinamahalaan ng CDRRMO sa ilalim ng pamumuno ni City Administrator Atty. Rizaldy Mendoza at katuwang ang Bureau of Fire Protection.

Ang nasabing tagisan ng galing at kaalaman sa pagliligtas ng buhay ay hinati sa dalawang katergorya, ang barangay category at school category na may tig-8 hanggang 10 na miyembro.

Ang mga barangay na kalahok ay kumakatawan sa District 1 hanggang 10, habang sa school category ay pinangunahan ng Marcelo del Pilar National High School at Schools Division Office.

Matapos ang isang araw ng pagtatagisan ng galing, itinanghal na kampeon sa barangay division ang Brgy. Look 2nd sa unang puwesto, nasa ikalawang puwesto ang Brgy. Sumapang Bata at pangatlo ang Brgy. San Pablo habang sa school category ay tinanghal na 1st runner up ang MHPNHS na sinundan ng Schools Division Office.

Ang mga nagsipagwagi ay tumanggap ng halagang P20,000, P15,000 at P10,000 ayon sa pagkasunud-sunod at special hand-made trophy na inukit sa kahoy.

Pinagkalooban din ng plaka ng pagkilala at trophy ang napiling gawaran ng special awards kung saan itinanghal na Best Muse ang Brgy. Sumapang Bata at Best Uniform ang Brgy. Sumapang Matanda.

Tinanghal namang Best in Situational Analysis (Barangay Category) ang Sumapang Bata at District One (School Category).

Best in CPR (Barangay Category) ang Look 2nd habang MHPNHS sa (School Division); Best in Moving Relay ang Sumapang Matanda habang Schools Division Office sa School Category.

Bilang pagtatapos, pinasalamatan ni CA Mendoza ang mga kalahok sa nasabing kompetisyon at very successful ang event.

Very cooperative at competative ang mga kalahok kaya naipamalas nila ang mga kanilang mga husay kada event, ani pa ng city administrator.

Dagdag pa nito na asahan na umano na mas malaki, mas masaya at exciting ang ikalawang Agila Rescuelympics sa susunod na taon.

SHARE
Previous articleVillanueva tells LTFRB: Proposes maximum working hours of UBER, GRAB drivers to ensure safety
Next articleHow to Create a Notification
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here