Home National News Kauna-unahang ‘Suking Tindahan’ sa Bulacan, matatagpuan sa Meycauayan

Kauna-unahang ‘Suking Tindahan’ sa Bulacan, matatagpuan sa Meycauayan

27
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Iginawad ng Department of Trade and Industry o DTI ang kauna-unahang Suking Tindahan Seal sa Bulacan sa Bert and Marie Megastore sa lungsod ng Meycauayan.

Pinangunahan nina DTI Undersecretary Ruth B. Castelo at Regional Director Judith P. Angeles ang naturang paggawad.

Matatagpuan sa barangay Sto. Nino, mahigit tatlong dekada na itong dinarayo dahil sa mababang presyo ng mga paninda.

Paliwanag ni DTI Provincial Director Zorina Aldana, layunin ng Suking Tindahan Seal na mabigyan ng karampatang rekognisyon at pagkilala ang mga sari-sari stores at grocery stores na nagbebenta ng mga pangunahing bilihin na alinsunod o mas mababa pa sa Suggested Retail Price.

Ani Aldana, dumaan sa masusing ebalwasyon at pagkalap ng mga dokumento upang matukoy ang mga tumatanggap nito.

Source: PIA

SHARE
Previous articleTarlac First District Hospital opens
Next articleLTO may bagong polisiya sa driver’s license
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here