Home Striker Kaunlaran sa bayan ng Bocaue, abot kamay na!

Kaunlaran sa bayan ng Bocaue, abot kamay na!

55
0
SHARE
An opinion column by Louie C. Angeles

SA loob ng tatlong taon sa unang termino ni Mayor Joni Villanueva-Tugna, damang-dama na nang bawa’t mamamayan ang masidhing mga proyekto na makatutugon sa problema ng trapiko sa bayan ng Bocaue.

Hindi naman kaila sa mga mamamayan lalo sa mga Barangay Tambubong, Taal, Batia ang patuloy na paggawa ng Entry papuntang Norte at papuntang South maging ang Emergency Exit.

Ang mabilis na pagtatayo ng pampublikong hospital na tanging pinanabikan ng mga mamamayan ang pagtatapos nito para sa kapakanan ng bawat Bokawenyo na mga may sakit at kailangan ang serbisyong medical.

Ang patuloy na pagbibigay ng livelihood program sa mga mahihirap na mamamayan na walang hanap-buhay at sa tulong din ang PESO ay walang lubay na Job Fair para sa mga fresh graduate at out of school youth na mabigyan ng trabaho sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa mga pribadong kumpanya at overseas employment agency.

Ang proyektong pang kapaligiran na patuloy ang paglilinis sa kailugan para mapanatiling luntian ang naturang ilog ng Bocaue. Dahil ang Bocaue River ay isang mukha ng naturang bayan dahil sa taunang kapistahan ng Krus ng Wawa o Pagoda Festival na muli itong pinasisigla sa naturang bayan para sa pagpapalakas ng Turismo.

Ito’y ilan lamang sa natatanging maipagmamalaki ni Mayor Joni, na abot kamay na nang lahat at patuloy pang gumaganap sa kanyang tungkulin na para sa kapakanan ng mamamayan at Bocaue.

Kaya naman sa kanyang muling pagkapanalo nitong nakaraang halalan ay higit pang mga proyekto ang kanyang pinaplano na magpapaangat ng antas ng kabuhayan ng mamamayan at sa kaunlaran ng bayan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here