Home Katropa Rumoronda Kawawa ang Sambayanang Pinoy

Kawawa ang Sambayanang Pinoy

38
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

TILA hindi na malulunasan ang problema laban sa bawal na gamot dito sa ating bansa. Mismo ang Pangulo na ng bansa ang nagsasabi na may paglalagyan ang mga ‘sindikato ng droga’ kapag hindi ito napigil.

Pero heto patuloy ang ragasa at pamamayagpag ng ilegal na droga. May mga naikulong na hinihinalang mga sangkot sa ipinagbabawal na gamot, pero ito ay sinasabing dahil mga kalaban ika nila sa pulitika, kapag kapanalig daw ay tila naabswelto o tila pa rin, na may kakutsaba para itago ang Puno ng bawal na gamot.

Kamakailan lang ay ating naringgan na inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo, para makatulong sa pagsugpo ng bawal na gamot. Si Robredo ay ginawang ‘co-chair ng Inter-Agency Committee sa Anti-Illegal Drugs (ICAD,) na tinanggap naman ni Robredo ang naisin ng Pangulo Duterte. Sinabi ni Robredo na handa siyang makiisa sa Administrasyong Duterte, laban sa kontra illegal na droga ng pamahalaan. Nagsimula na si Robredo na makipagtalastasan sa iba’t ibang sektor ng lipunan kontra bawal na gamot.

Pero bigla ang balita na tinanggal na siya sa ICAD ni Pangulong Duterte, Dito ay marami ang nadismaya, na akala ng nakararami ay mare-resolba na ang suliranin sa problemang naturan.

Lumalabas na tila ayaw ni Duterte na maging matabil sa pagsasalita si Robredo, na kahit ang mga sensitibong usapin ay kanyang maaaring masabi sa balana. Higit ang mailagay sa alanganin ang katayuan ng PangulongDuterte. Pero tanong nga ni Robredo, ano ba ang kinatatakutan ninyong malaman ko?

Tsk! Tsk! Tsk! Kapag laging mamumutawi ang kaisipang kalaban ka sa pulitika, kahit na iisa ang mithiin na paborable sa taumbayan, ay walang kauuwiang maganda, lagiang may away at sigalot.

Ang kalalabasan ay kasiphayuan sa panig ng nakararaming mamamayan na nais ang katiwasayan at kaayusan ng paligid.

Tanong ko nga sa sarili ko, ano bang klaseng mga lider meron tayo na nagpapatakbo ng ating bansa? Sila ba ay mga totoong makabayan o mga taong lobo? Sila ba ay may itinatagong illegal na hindi alam ng publiko?

Sila ba ay mga payaso, na lagiang inaaliw ang sambayanan, makakuha lang ng atensyon, subalit andoon pa din ang problemang kinahaharap ng bansa?

Anong klaseng mga lider ba mayroon tayo ngayon? Lider na paiba-iba ang mga sinasabi, parang batang paslit na nangangailangan ng atensyon?

Kawawa ang sambayanang pinoy. Sa ating mambabasa kayo na po ang humatol.

*****

Dito naman sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, ay patuloy ang mga gawaing sibiko nila Mayor Arturo Robes, Congw Rida Robes at VM Efren Bartolome Jr., kaya nga nagpapasalamat din ang mga mamamayan nito. Ika nga sa mensahe ni Mayor Robes ay “maraming mga probinsya, bayan at lugar dito sa Pilipinas na pwede nating gawin na magandang halimbawa. Kaya nga natutuwa ako kapag maraming bumibisita dito sa ating lungsod, dahil unti-unti na nating naipapakita na kung kaya nila ay kaya rin natin. Wala namang ibang mangangalaga sa lugar natin kundi tayo ring mga taga San Jose.”

Tsk! Tsk! Tsk! Kailangang magtulungan tungo sa kaunlaran ng LSJDM. Mabuhay! (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleP6.5 milyong shabu nasabat sa Clark International Airport
Next articleBarangay secretaries, hindi kinikilala ni DF?
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here