Home Batok sa Kaliwa, Suntok sa Kanan Kaya naman pala hindi matapos-tapos ang problema sa illegal na droga dito...

Kaya naman pala hindi matapos-tapos ang problema sa illegal na droga dito sa bansa

44
0
SHARE
An opinion column by Rolando S. Gamoso

KUNG totoo ang mga isiniwalat ni dating Crimininal Investigation and Detection Group (CIDG) at ngayo’y alkalde ng Baguio City na si Mayor Benjamin Magalong, napaka-imposible nga’ng masugpo ang operasyon ng illegal na droga dito sa bansa, tsk tsk tsk.

Kaya naman pala hindi maubos-ubos ang ang supply ng shabu ay dahil nire-recycle ito ng mga corrupt na pulis at may basbas ng kanilang superior.

Kahit pa araw-araw ay may makukumpis kang shabu, hinding-hindi ito mauubos dahil ang mga nakukumpiska ay ibebenta uli ng mga corrupt na pulis. Ang matindi pa, kapag nakahuli ng drug lords, ipatutubos dito ang nakumpiskang shabu ng P50-million. Kapag napakawalan ang drug lords, aaresto ang mga corrupt na pulis ng ibang tao para ito ang gawing fall guys.

Ayon kay Magalong, isang dating mataas na retiradong opisyal ng PNP at dalawang nasa aktibong posisyon ang sangkot sa gawaing ito.

Sobrang nakaka-shock ang mga inihayag ni Magalong. Talagang talamak na ang droga sa bansa at kaya hindi malutas-lutas ay dahil sa kagagawan ng ilang mga corrupt police officials.

Ang kaawa-awa dito ay ang mga ibang mabubuti at tapat na pulis na nagsasakripisyo o nagbubuwis ng buhay para lamang mahuli ang mga drug traffickers at makumpiska ang droga habang ang mga “anay” naman sa PNP ay hayun pinakakawalan ang mga ito at nire-recycle ang shabu.

Dito sa Ilocos Sur, halos every week ay may mga nahuhuling mga drug personality. Hindi ko sinasabing may mga corrupt na pulis dito na gumagawa ng tulad ng mga isiniwalat ni Magalong pero nagtataka talaga ako kung saan nga ba nanggagaling ‘yun mga drogang nakukumpiska sa mga buybust na iyan at hindi maubos-ubos. Kanino kaya nila kinukuha ang mga ito? Sino o sino-sino ang mga nagsu-supply sa kanila?

Ano kayang estilo ng pag-iimbestiga ang ginagawa ng ating kapulisan sa mga drug personality na nahuhuli nila at hanggang sa ngayon ay mukhang blanko sila na matukoy kung sino talaga ang ‘bigtime’ na supplier ng mga ‘pusher’ na ito dito sa probinsiya?

Alam kong likas na mababait at tapat sa serbisyo ang mga miyembro ng PNP dito sa Ilocos Sur. Kaya lang ang pakiusap ko sa kanila ay sana ang tutukan nila at alamin kung sino nga ba ang mga mismong ‘bigtime personality’ na nasa likod ng operasyon ng bawal na droga dito sa probinsiya at ‘yun mismo ang kanilang paghuhulihi.

Kasi naniniwala ako na kapag naputol ang ugat at puno, patay na ang mga sanga.

Ang tanong, sino ang puno? Sino ang ugat?

Alamin! (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleExpand the cooperative spirit in Bulacan — Fernando
Next article4 sangkot sa investment scam, arestado ng CIDG Bulacan
Si Rolando S. Gamoso ay naging Editor-In-Chief ng dating THE AMIANAN WEEKLY EXPOSE’, isang weekly newspaper na may sirkulasyon sa buong Region I, CAR at Region II. Naging reporter/news correspondent siya for Region I sa mga pahayagang tulad ng: DAILY BALITA, TANOD Newspaper, BOMBA, PINOY PARAZZI, at POLICE FILES TONITE. Sa ngayon ay reporter/columnist siya sa THE AMIANAN BULLETIN at THE ILOCOS HERALD, pawang mga local newspaper na circulated weekly sa Ilocos Region. Maliban sa pagiging aktibo niya sa print media, aktibo rin siya sa pagiging miyembro ng broadcast media.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here