Home Showbiz KC Concepcion ‘naririndi’ sa buntis isyu

KC Concepcion ‘naririndi’ sa buntis isyu

350
0
SHARE

TAHASANG sinagot ni KC Concepcion ang netizen na nagtanong sa kanya kung siya ba ay buntis.

Ani KC, “I have NEVER BEEN PREGNANT in my life.”

Ayon sa panganay na anak ni Megastar Sharon Cuneta ang isyu raw ng kanyang pagbubuntis ay noon pang college days niya.

“That rumor has been going around since my college years FOR NO REASON,” aniya.

Naglagay kasi si KC ng question and answer sa kanyang socmed account.

Karamihan sa mga tanong para sa mega daughter ay kung buntis daw ba siya.

Pakiusap ni KC sa hindi mamatay-matay na isyu sa kanya, “You guys have to stop with these ‘pregnant’ rumors already.”

“I have NEVER BEEN PREGNANT in my life. In fact, HOW I WISH I COULD BE!”

Sadyang may makulit na follower ang dalaga at binato siya ng matalinghagang komento.

Sabi ng netizen: “Ang bansang tumaba ka lang BUNTIS ka na, PHILIPPINES!!! Hahahaha. Love you kace.”

Agree naman ang mega daughter, pero naririndi na raw siya sa pauulit-ulit na isyu.

Aniya, “Korek!!! Kaya nga eto nagpapapayat na ko at nageenjoy sa life at baka mapagkamalan pa akong buntis ng paulit ulit…ulit ulit…ulit ulit… walang katapusan.”

Ayan, maliwanag, ayaw ni KC ng redundant na tanong, huh!!! (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleKylie Padilla takot tumaba!
Next articleMeet & Greet with new District Engineer
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here