Home National News Kinatawan Lorna, nasa ikalimang termino ng pangalawang pagbabalik

Kinatawan Lorna, nasa ikalimang termino ng pangalawang pagbabalik

28
0
SHARE
Iprinoklama na ng Provincial Electoral Board ang nakaupong Kinatawan Lorna C. Silverio ng Ikatlong Distrito ng Bulacan bilang nanalo para kanyang ikalawang termino sa botong 135, 830. Nakalaban niya si dating gobernador at dating kinatawan Jonjon Mendoza na nakakuha ng 103, 505 na boto. Unang nagharap ang dalawa noong 2016. Tinalo rin ni Kin. Silverio ang step-son nitong si Ricky Silverio na may botong 22,630. (Kuha ni Shane Frias Velasco)

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Uupo sa kanyang ikalimang termino si Kinatawan Lorna C. Silverio ng Ikatlong Distrito ng Bulacan, matapos iproklama ng Provincial Electoral Board na nanalo sa pagka kinatawan sa Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong nakaraang Halalan 2019.

Sa botong 135,830, tinalo niyang muli si dating gobernador na dati ring kinatawan Joselito ‘Jonjon’ R. Mendoza na nakakuha ng botong 103,505. Unang nagkalaban ang dalawa noong 2016.

Panglimang termino na ito ni Kinatawan Silverio dahil una siyang naging kinatawan ng nasabing distrito noong 2001 hanggang 2010, na katumbas ng tatlong termino. Matapos ang kanyang unang tatlong termino noong 2010, tumakbo naman si Kinatawan Silverio bilang punong bayan ng San Rafael. Muling tumakbo sa nasabing posisyon noong 2013 ngunit natalo kay ngayo’y Mayor Cipriano ‘Goto’ Violago Jr.

Muling kumandidato sa pagka kinatawan noong 2016 at nanalo hanggang sa muling nahalal nitong halalan ng 2019.

Ayon kay Atty. Mona Aldana Campos, provincial election officer ng Commission on Elections (COMELEC)-Bulacan, si Kinatawan Silverio ang kauna-unahang naiproklamang nanalong kongresista sa lalawigan dahil mas naunang maitransmit ang mga boto mula sa mga bayan ng ikatlong distrito.

Ipinahayag naman ni Kinatawan Silverio, ang kanyang muling pagkakahalal ay magtitiyak na magtutuluy-tuloy ang itinataguyod na Lingap at Serbisyo sa mga mamamayan ng ikatlong distrito ng Bulacan. Kinabibilangan ito ng mga pinakamalalaking bayan sa lalawigan ng Donya Remedios Trinidad, Norzagaray, San Ildefonso, San Miguel, San Rafael at Angat.

Sa kanyang panunungkulan, sinuportahan niya ang pagpapapasa sa package 1 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) o ang Republic Act 10963. Nagresulta ito sa mas mataas na koleksiyon ng buwis na karamihan ay inilaan sa mga malalaking proyektong imprastraktura ng administrasyong Duterte sa ilalim ng Build-Build-Build. Kasama rin siyang nagtaguyod na pahabain sa 10 taon ang validity ng pasaporte ng Republika ng Pilipinas sa pagkakapasa ng New Philippine Passport Act o ang Republic 10928.

Ngayon sa kanyang ikalimang termino, tututukan naman niya na maipasa ang panukalang batas na magbibigay ng pondo sa pagtatayo ng sangay ng Bulacan State University sa bayan ng San Rafael.

Samantala, bilang batikang mambabatas, naging matagumpay si Kinatawan Silverio sa pagpapapasa ng pondo para sa mga malalaking imprastraktura sa Bulacan. Noong 2002 ay inilakad niya kay noo’y Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang proyektong 24-kilometrong Plaridel Arterial Bypass Road na unang nabuksan noong 2012. Sa kasalukuyan, napapondoha niya ang pagpapahaba nito hanggang sa bayan ng San Miguel, konstruksiyon ng San Miguel-Candaba Diversion Road at ang muling pagtatayo ng nasirang Bulo Dam sa San Miguel.

Source: PIA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here