Home Katropa Rumoronda Kinilala mga siyudad na nais maging sisterhood ng LSJDM

Kinilala mga siyudad na nais maging sisterhood ng LSJDM

43
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

MAKAILAN lamang ay dininig sa Sangguniang Panlungsod ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) sa pamamahala ni Konsehal Noli Concepcion, ang inihaing panukala ng mga kasapi ng Sisterhood Committee, ang intensiyon na kilalanin ang mga Siyudad na nais na magkaroon ng ‘twinning agreement’ sa LSJDM.

Ang nasabing paguusap ay agad na sinang-ayunan ni Kgg. Noli Concepcion. Ayon sa magiting na Konsehal ng siya ay ating makapanayam, “naniniwala po tayo na ang kahilingan ng ating Punong Lungsod, sa pagpasok ng ‘sisterhood or twinning agreement between the City of Pagadian, City of Tabaco and City of Seong Nam’ ay ‘it will be beneficial to both sides’ sa ating siyudad, at gayundin po sa ating mga ‘twinning Cities.’ Dahil ito ay magiging daan sa pagpapalitan sa ‘trade,’ mga produktong meron sila at meron tayo, gayundin sa ‘information technology,’ sistema ng pamamalakad, na maaaring may mga bagay silang nakita kung bakit kinikilala ang ating Lungsod ng San Jose Del Monte. Sa iba’t ibang aspeto sa ‘good governance’ o mahusay na pamamahala, sa pamamagitan ng ating Punong Lungsod Arturo Robes at sa tulong ng kanyang kabiyak na si Congresswoman Rida Robes, sa pagpapatuloy ng pagpapaunlad ng ating Lungsod na ang layunin ay patungo sa pagiging highly urbanized City.”

Tsk! Tsk! Tsk! Ang Sisterhood Committee sa LSJDM, ay kauna-unahan na pangyayari na naganap sa lungsod, sabi noon ng isa pang magiting na lingkod bayan na si Dr. Dennis Booth, City Administrator (CA) ng LSJDM.

Ito ay masasabi nating simula ng magandang pakikitungo sa mga lugar na nagnanais na makipagkaibigan at magkaroon ng mabuting pakikipag-ugnayan sa LSJDM. Sa Kapatiran ng bawat lungsod ay mas iigting ang relasyon sa pangkabuhayan, turismo at kalinangan ng bawat panig. Laging matatalakay at maiaayos ang kani-kanilang mga patakarang pangkabuhayan sa kalakalan, pamumuhunan sa labas ng bansa, turismo at makabalani ng mga dayuhang may taglay na karunungan.

Ang konsepto ng Kapatiran sa bawat lugar, ay upang pagyamanin at palakasin ang pagkakaibigan, pagkakaunawaan sa pagitan ng dalawang may kakaibang kultura, at humikayat ng kalakalan at turismo. Ito ay isang paraan na naaalinsunod sa batas at kasunduang panglipunan sa pagitan ng dalawang lungsod, upang itaguyod ang kultura at ugnayang pangkalakal. Ang Kapatiran sa ibang lugar ay kailangan ng LSJDM.

Mabuhay sila Mayor Art Robes, Congw Rida, Konsehal Noli Concepcion, CA Dennis Booth, Sangguniang Panlungsod ng LSJDM, at sa mga Kasapi ng Sisterhood Committee, LSJDM, na patuloy na nagmamalasakit na maitaguyod at higit pang mapalakas ang pakikipagugnayan ng LSJDM sa iba’t ibang lugar, upang magkamit ng karagragang karunungan tungo sa lalo pang-kaunlaran ng tinaguriang ‘The Rising City.” ARya San Josenio!

Kung may nais kayong ipalathala sa malaganap na Katropa kolum ay ipadala lamang sa ating email: billones@ralo.org o sa katropa2003@yahoo.com. Hanggang sa muli.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here