Home Showbiz Klaudia Koronel inihayag ang dahilan ng diborsiyo sa Chinese husband

Klaudia Koronel inihayag ang dahilan ng diborsiyo sa Chinese husband

402
0
SHARE

NAKWENTO ni Klaudia Koronel sa ilang kaibigang press people ang tunay ma dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng asawang Chinese-businessman.

Hindi napigilan na umiyak ng dating sexy-actress habang sinasabing 2014 pa raw ay divorce na sila ng asawa.

“Sa umpisa pa lang alam ko na ang magiging future ko sa kanya. Bago kasi kami kinasal ay pinapirma niya ako ng pre-nuptial agreement, pero ‘di ko ginawa.

“Alam ko naman na mahal niya ako at mahal ko rin naman siya. Kaya lang pagdating sa pera doon siya… alam n’yo ‘yun. Parang ayaw nila na nahahati ang mga kayamanan nila. Ganu’n ang mga pure Chinese.

“Hindi na dapat ako pakakasal sa kanya. Lumayo ako nang pinipilit niya akong pumirma ng pre-nup. Pero, pinahanap niya ako kasi mahal nga niya ako.

“Natuloy ang kasal namin ng walang pre-nuptial agreement. Pero alam nyo bang hindi ako masaya nang kinakasal sa kanya. Kasi iniisip ko na ang magiging future ko, e.”

After kinasal si Klaudia sa Chinese-businessman ay sa Amerika na sila nanirahan.

2014 nang mag-divorce ang mag-asawa.

Ani Klaudia: “Kahit divorce na kami noon ay nagsasama pa rin kami sa iisang bubong. Hindi pa niya ako pinapaalis.

“Three years kaming nagsama. Kasi sa kanila pala sa Chinese ‘pag umabot ng limang taon ang pagsasama may karapatan na ang babae sa kanilang ari-arian.

“Doon ko naisip na kaya pala gusto niya ng may pre-nup agreement kami. Mabuti na lang hindi ako pumayag kaya kahit papaano may conjugal property kaming dalawa.

“Nu’ng nagsasama na kami sa Amerika kada one year binibigyan niya ako ng kung magkanong halaga lang. Ganun pala talaga ang pure Chinese.

“Kaya sa tatlong taon naming pagsasama tatlong beses rin niya akong binibigyan ng pera. Pagkatapos ng tatlong taon wala na hindi na siya nagbibigay. At ‘yun nga nag-divorce na kami.”

Hindi sinisiraan ni Klaudia ang asawa. Ayaw niyang magsalita ng hindi maganda sa asawa dahil minahal daw niya ‘yung tao.

Kung battered wife siya? “Walang katotohanan. Verbally abused, siguro,” aniya. Pero, hindi na nagbigay pa ng detalye ang dating sexy actress.

Naihayag din ni Klaudia na may karamdaman siya. Kaya raw siya bumalik sa Pilipinas para ibenta ang ilan nilang properties ng Chinese husband.

Babalik sa October 5 sa America si Klaudia. At pagdating niya doon ay isasalang na raw siya agad sa operasyon. Na-detect na may myoma ang dating sexy-actress.

Mag-isa nang namumuhay si Klaudia sa America. Isa rin sa dahilan kung bakit babalik pa siya doon ay para ma-grant na ang kanyang American citizenship.

May interbyu ang Tambayan Ng Tsika Tonite kay Klaudia. Abangan dahil lahat ng pinagdaanan niyang hirap sa Amerika ay isinawalat. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBigas na nasamsam ng Customs, ipamahagi na sa taumbayan
Next article2 Toyota Innova for Angeles City Police
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here