Home EXTRAFONTS ‘Kolektong’ sa perya na ginagamit ang pangalan ko

‘Kolektong’ sa perya na ginagamit ang pangalan ko

221
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

NAIKWENTO sa akin ng isang media friend na nabalitaan daw niya buhat sa ilang impormante na may tao na nagngangalang ‘Mati’ na gumagamit sa aking pangalan sa kanyang pangongolekta sa pergalan (perya na may pasugalan) sa isang barangay sa bayan ng Sta. Maria.

Ang pagpapakilala daw ng kumag na kolektong inutusan. daw siya ng kolumnista ng tabloid na Tiktik, gamit ang aking pangalan na kumolekta ng tarya sa mga peryantes. Nang malaman ko ang gayon, agad akong tumawag sa opisina ngTiktik, at sinabi ko na may tao na alyas ‘Mati’ na nangonglekta sa peryaan sa Bulacan, gamit ang aking pangalan at ang dyaryongTiktik.

Ang sabi ng isang officer sa Tiktik, wala silang inuutusan na sinumang tao na ipangolekta ang kanilang dyaryo kaya dapat daw ipaaresto ng mga peryantes sa pulis ang taong gumagamit sa pangalan ng Tiktik.

Sa kaalaman ng lahat, matagal na akong huminto sa pagsusulat ng kolum sa Tiktik, ilang taon na ang nakalilipas kaya ang aking advice sa mga peryantes na kinokotongan ng isang alyas ‘Mati’ na gamit ang aking pangalan, ipaaresto ninyo. Wala akong kinalaman sa kanyang iligal na aktibidad.

Ngayong panahon ng piyestahan, maraming nakapuwestong peryahan sa bawat bayan, maging sa barangay. Hindi naman pupuntahan ng taong ito ang ferris wheel at iba pang rides ang perya. Dahil may mga peryahan na nagpapasugal sa Bulacan, tiyak na ang mga pasugalagang ito sa perya ang kinokolektahan ni alyas Mati.

Wala akong pakialam kung orbitan man ng taong ito ang mga paborito niyang peryantes. Gamitin na lang niya ang pangalan niyang Mati. Kung mababasa ng mga peryantes ang paksang ito, wala akong inuutusang tao na nagngangalang Mati, para ipangolekta ako sa peryahan at hindi na rin ako konektado sa dyaryong Tiktik, kaya ipaaresto ninyo ang taong gumagamit ng aking pangalan.

Sa pagkaalam ko ay ang bigtime peryantes na pumupwesto sa mga bayang may malalaking populasyon ay nagngangalang “Jessica”. Baka napapagawi sa peryahan mo itong alyas Mati, na gumagamit ng aking pangalan at ng daily tabloid na dati kong sinusulatan, ipataboy mo sa iyong mga tauhan o kaya ay kasuhan upang matigil na sa kanyang ginagawang kabulastugan.

SHARE
Previous articleMga programa ni Cong. Jonathan, patuloy na pinakikinabangan sa kanyang distrito
Next articleMindoro-Batangas Super Bridge
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here