Home Kakampi Ng Masa Kompanya na walang permit, malayang nakakapag-operate

Kompanya na walang permit, malayang nakakapag-operate

338
0
SHARE

LABIS na nakapagtataka mga ’igan kung bakit malayang nakapag-transaksyon sa negosyo itong kompanya ng Simever Memorial Park Developer na pinamamahalaan ng isang Elizabeth Labuzon sa Brgy, Bigte Norzagaray, Bulacan.

Tinatawagan po natin ng pansin si Norzagaray Mayor Geronimo Cristobal Jr.,  Sir namamayagpag ang operation ng kumpanya na matagal nang  walang kaukulang permit.

Sir, iisa-isahin ko po sa inyo ang mga violations nang kumpanya ni Gng, Labuzon, una ay walang permit sa License to sell at Certification of Registration mula sa HLURB-3, wala rin siyang Environment Compliance Certificate (ECC) mula sa Environment Management Bureau (EMB-3)

Bukod dyan wala rin silang Mayors Permit mula sa bayan ng Norzagaray at syudad ng San Jose del Monte, natural mente mga ’igan wala rin silang Barangay Permits mula sa Brgy. Sto. Niño at Brgy. Bigte.

Sa puntong  ito mga  kapit-bahay, hindi po sila dapat nakakapag-transakyon sa anumang negosyo sa ilalim ng Simever Memorial Park Developer.

Saan kaya sila kumuha ng kapal ng mukha? Malinaw mga ‘igan, hindi po sila nagbabayad ng tamang buwis sa pamahalaang bayan ng Norzagaray.

Dapat lamang na bigyan ng parusa ang maling paraan ng hanap-buhay ni Gng, Labuzon dahil malinaw pa sa sikat ng araw na niloloko nila ang taong-bayan na sila daw ay lisensyado. Maaaring mabalewala ang inyong mga investment at maaaring lumitaw na wala silang valid documents dahil hindi sila nagbabayad ng tamang buwis.

******

Milyong buwis ng kompanya ng semento, nasaan?

Mga kababayan, mayaman ang bayan ng Norzagaray, dahil sa dami ng matatag na hanap-buhay subalit tila hindi umaasenso dahil sa mga kompanyang harap-harapang ginugulangan ang gobyerno, kung saan simpleng ninanakawan ng tamang buwis.

Halimbawa na lamang po dito ang isang malaking kompanya ng semento na may obligasyon sila na magbayad ng buwis na hindi bababa sa halagang P20 milyong noon pang panahon ng dating alkalde.

Kung saan sinasabing tinindigan at ipinaglaban nito ang karapatan na makuha ang tamang taxes na milyones, na dapat sana’y maaring  panggalingan ng pondo para sa pagpapagawa ng mahahalagang proyekto subalit bigla na lamang naglaho ang hinahabol na buwis.

Mr. Mayor, Sir, pakisilip nyo nga po kung paano naglaho ang milyong pisong tax liabilities ng mga planta ng semento sa nasasakupan ninyong bayan.

Ayon  sa kuwento sa pondahan ni Ka Baste, simula daw po ng kausapin ng  kasalukuyang gobyerno ang kumpanya ay bumaba umano sa halagang P12 milyon na lamang mula sa original na P20 milyon ang babayarang buwis.

Sino po kayang komisyuner ang nakikinabang sa salapi na para sana sa mamamayan ng Norzagaray?

Kayong mga  taga-Garay, bantayan po ninyo ang kaban ng bayan na para sa  mga bagong henerasyon ng mga kabataan.

Sa panahon po ni Pangulong Rodrigo Duterte, walang puwang ang mga  magnanakaw sa gobyerno, pihadong makukulong at bawal din ang matagal na pagre-release ng mga dokumentong may kaugnayan sa hanap-buhay ng mga  mamamayan.

Maari po kayong magpadala ng liham o sulat sa Palasyo ng Malacanang, partikular sa 8888 at 911. ASAP ang pagbibigay nila ng tugon sa inyong mga problema lalo na kung kawatan ang sangkot.

At kung nakatitiyak po kayo na  sangkot sa iligal na aktibides, ang isang  nanunungkulan sa gobyerno maaari syang kasuhan sa Office of the Ombudsman.

Isang halimbawa dyan mga ‘igan, ang mga pabayang barangay officials na sa simpleng pag-iisyu ng resolution sa mga nangangailangan ay hindi magawa sa hindi malamang kadahilanan.

Dapat sa mga barangay officials na hindi kayang tumupad ng tungkulin ay magtanim na lamang ng kamote, dahil sayang lamang ang ipinasusuweldo sa kanila ng gobyerno, tulad ng konseho ng Brgy. Bigte. Maaari n’yo po silang kasuhan sa Ombudsman.

Lalo pa ngayon na extended ang panunungkulan ng mga Kupitan este Kapitan del Barrio, marahil marami ang natuwa, sapagkat tuloy ang kanilang  makabuluhang raket este project para sa  kanila… este ng barangay. Hehehe.

Para sa  inyong mga reklamo at reaksyon, mag-send lamang sa thony.arcenal@gmail.com at makinig sa Reporters Hour, 5-9 am at Afternoon Delights@12-3 pm tuwing araw ng Sunday sa DZME 1530kHz.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here