Kongreso ayaw tantanan ang ABS-CBN, pagpapalabas sa A2Z TV hinahanapan ng butas

0
146

AYAW talagang tantanan ng mga mambabatas ang ABS-CBN.

Ngayong bumabalik na sa free TV ang Kapamilya Network (matapos nilang ipasara dahil hindi binigyan ng franchise renewal) ang halos lahat na ng programa ng ABS-CBN hinanapan naman nila ngayon ito ng butas.

Hinihikayat naman ngayon ng mga mambabatas ang NTC at BIR na imbestigahan daw ang illegalities kung meron man ang ABS-CBN sa block time deal nila sa Zoe TV.

Unang-una nang ng-reak ang aktres na si Agot Isidro.

“Sana same energy sa 15B na nawawala sa PhilHealth…” sey ng beteranang aktres sa kanyang socmed.

Simula kasi nu’ng October 10, ang ilang programa ng ABS-CBN ay napapanood na sa Zoe TV na pag-aari ng Evangelical leader Bro. Eddie Villanueva na mas kilala ngayona A2Z Channel.

Hindi raw masaya ang Congress dahil unti-unting nakaka-recover ang ABS-CBN kaya ang target naman daw ngayon ng mga ito ay kung ano ang napag-usapan ng Kapamilya at Zoe TV.

Last Wednesday ang New House Minority Leader Joseph Stephen Paduano ay nag-suggest sa Bureau of Internal Revenue at  National Telecommunications Commission na imbestigahan ang block time agreement between ABS-CBN and Zoe TV for probable legal and tax issues.

Sa ngayon wala pang nirerelease ng anumang statement ang NTC at BIR sa request ng Kongreso. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here